ESPANYA

Cards (13)

  • Polo y Servicio
    • sapilitang pagpapatrabaho sa mga Pilipino
  • Encomienda
    • pagkuha ng buwis at paggawa mula sa mga Pilipino
  • Reduccion
    • sapilitang pagpapalipat sa mga Pilipino sa mga pueblo
  • Indulhensiya
    • paghingi ng pera ng ilang prayleng Espanyol upang mabawasan ang kasalanan ng tao. Inaabuso ito upang dumami ang yaman ng ilang prayle.
  • Pang-aabuso
    • Maraming pang-aabuso ang ginawa ng mga Espanyol sa Pilipinas. Kabilang dito ang:
    • Polo y Servicio
    • Encomienda
    • Reduccion
    • Kawalan ng pagkakapantay-pantay sa relihiyon.
    • Pang-aabuso sa simbahan
    • Indulhensiya
    • Hindi nagkaisa
    • Hindi natutukan
  • Suez Canal
    • Ang pagbubukas ng Suez Canal ay nagbigay-daan sa mas mabilis na biyahe sa pagitan ng Espanya at Pilipinas
    • Bumilis ang kalakalan at palitan ng mga ideya
    • Mas mabilis ding nakapasok ang mga aklat at edukasyon sa Pilipinas
    • Dahil dito, lumitaw ang mga Ilustrado o mga nakapag-aral na Pilipino
  • GOMBURZA
    • Ipinaglaban ni Padre Jose Burgos ang pagkakapantay-pantay ng mga paring Pilipino at Espanyol.
    • Pinaratangan siya at sina Padre Mariano Gomez at Padre Jacinto Zamora na may kinalaman sa pag-aalsa sa Cavite
    • Ginamit ang paratang upang pigilan ang pagkakapantay-pantay ng mga pari
  • Kamulatan
    • Binitay ang GOMBURZA sa Cavite noong 1872
    • Nabuksan ang isipan ng maraming Pilipino matapos makita ang hindi makatarungang pagbitay sa GOMBURZA
    • Isa sa mga estudyante ni Padre Burgos si Paciano Rizal, na nagbahagi ng kamulatang ito sa kanyang kapatid na si Jose Rizal
  • Kilusang Propaganda
    • Isa si Jose Rizal sa mga nagtatag ng Kilusang Propaganda na nasundan ng La Liga Filipina
    • Layunin nila ang reporma sa pamahalaan at pantay na karapatan para sa mga Pilipino
    • Inilathala nila ang kanilang mga ideya sa pahayagang La Solidaridad
  • Jose Rizal
    • Isinulat ni Rizal ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo upang ilantad ang pang-aabuso
    • Binitay si Jose Rizal noong 1896 sa paratang na pagrerebelde laban sa Espanya
  • Unang Sigaw sa Pugad Lawin
    • Noong Agosto 1896, idineklara ni Andres Bonifacio at ng Katipunan ang himagsikan laban sa mga Espanyol
    • Pinunit ang cedula (proof of tax payment o I.D) bilang simbolo ng hindi pagsunod sa mga Espanyol
    • Ipinaglaban ng Katipunan ang himagsikan para sa kalayaan
  • Deklarasyon ng Kalayaan
    • Sa Kumbensyon sa Tejeros, napalitan si Andres Bonifacio bilang pinuno ng himagsikan
    • Nahalal si Emilio Aguinaldo bilang pinuno ng pamahalaan
    • Noong Hunyo 12, 1898, idineklara ni Aguinaldo ang kalayaan ng Pilipinas
  • Pagdeklara ng Unang Republika
    • Noong Enero 22, 1899, idineklara ng Kongreso ng Malolos ang Unang Republika ng Pilipinas
    • Si Emilio Aguinaldo ang kinilalang unang pangulo ng bansa
    • Sumiklab ang Digmaang Pilipino-Amerikano at naantala ang kalayaan ng Pilipinas