Isang uri ng punongkahoy sa bundok, tuwid, malaki, at malalim ang tubo; ang mga sanga ay paitaas na lahat ang ayos, hugis-puso ang buong anyo. Noong unang panahon ay karaniwan nang ang mga tao ay nagtitirik ng mayabong na mga sanga nito sa libingan ng kanilang yumaong mga mahal sa buhay, kaya’t tinagurian tuloy itong punongkahoy ng mga patay?