Piling

Cards (51)

  • Ang pagsulat ng talumpati ay isang pormal na pagpapahayag na binibigkas sa harap ng manonood o tagapakinig.
  • Pormal dahil ito ay pinaghahandaan, gumagamit ng piling wika at may tiyak na layunin.
  • May grupo ng tao o publikong inaasahang manonood o makinig nito.
  • Ang proseso ng pagsulat ng talumpati ay maaring hatiin sa tatlong yugto: paghahanda, pananaliksik at pagsulat ng talumpati.
  • Bahagi ng paghahanda ang pagtiyak sa 1.layunin sa okasyon, 2.layunin ng magtatalumpati, 3.manonood, at 4.lugar na pagdarausan ng talumpati.
  • Ang pagsulat ng talumpati kailangang mahigpit, malakas, at malakas.
  • Ang lugar ng pangyayarihan ng talumpati kailangang tumutukoy, kung sa loob o labas, kung sa entablado o kung sa lupa, kung malamig o mainit, kung may kagamitan, kung saan ang projector, kompyuter, audio player, blakbord, at iba pang kakailanganin sa presentasyon.
  • Ang mga manonood kailangan alamin ang ilang bagay tungkol sa katangian nila, kasama ang kanilang pinag-aralan, ekonomikong estado, edad, kasarian, o kulturang pinagmulan.
  • Ang plano ng talumpati kailangang isaisip mabuti ang paksa o tema, at/o papel ng tagapagtalumpati sa okasyon.
  • Ang mga salik na ito kailangan isaalang-alang para makabuo ng talumpating mabisa at makakaugnay sa tagapakinig.
  • Mahalagang alamin ng tagapagtalumpati ang layunin ng pagdaraos ng okasyon.
  • Kung may itinakdang paksa o tema ang mga nag-organisa ng okasyon, dapat ding alamin at unawain ito ng tagapagtalumpati para maiayon niya ang kanyang talumpati sa paksa o temang ito.
  • Ang nilalaman, haba, at tono ng talumpati ay dapat iayon sa layuning ito.
  • Kung siya ang pangunahing tagapagsalita, dapat tiyakin na maisentro niya ang kanyang talumpati sa tema.
  • Kung siya ay tatanggap ng gawad/award, makabubuting ang talumpati ay maikli, nagpapasalamat, at mapagkumbaba.
  • Ang manonood ay hindi lamang tagapakinig.
  • Pangunahing salik din sila sa nilalaman at estilo ng talumpati.
  • Kaya nakakaimpluwensiya na sila sa paghahanda pa lang ng talumpati.
  • Karaniwan, inaalam ng tagapagtalumpati ang dami ng manonood.
  • Kung maliit na grupo, maaaring mas malaman at malalim ang talumpati dahil higit na magkakaroon ng malapit na ugnayan ang tagapagtalumpati at tagapakinig.
  • Kung marami namang manonood, maikli lamang ang talumpati at lahukan o haluan ng maraming kwento at biro para mahuli ang atensyon ng isang malaking grupo.
  • Ang etika ay galing sa salitang Griyego na ethos na may kahulugang “karakter”.
  • Ang ethos ay mula sa salitang ugat na ethicos, na nangangahulugang “moral, moral na karakter”.
  • De Castro (1998) ay nagpakita na ang "hiya ang mekanismo ng indibidwal at lipunan upang mapagtugma ang kani-kanilang mga kalooban … ang gabay ng indibidwal upang maiangkopniya ang kaniyang kaisipan sa agos ng panlipunang kamalayan.
  • Ang etika para kay Chris Newton ay tumutugon sa mahalagang tanong ng moralidad, konsepto ng tama at mali, mabuti at masama, pagpapahalaga at pagbabalewala, pagtanggap at di-pagtanggap ng lipunan na siyang nagtatakda ng mga batayan sa mga ito.
  • Ang mga batayang ito naman ang nagdidikta kung ano ang dapat gawin ng tao bilang kaniyang obligasyon, karapatan, katuwiran, at halaga.
  • Mga istandard o batayan —mga ideyal at gawi at institusyon gaya ng simbahan, pamilya, paaralan, at negosyo—na pinagbabatayan natin kung tama o mali ang ating mga desisyon.
  • Isa itong paniniwala ng isang tao o grupo na may sangkot o pinanggagalingang damdamin ukol sa isang bagay na dinedesisyunan.
  • Ang copyright sa Pilipinas, nililinaw sa Intellectual Property Code of the Philippines o ang Republic Act No.8293 ang mga karapatan at obligasyon ng mga may-akda (manunulat, artista, iskolar, tagasalin, kompayler, editor, mananaliksik, at iba pa), pati na ang paggamit sa mga ginawang mga ito.
  • Mahalagang malinawan ang mga karapatan at obligasyong ito upang maiwasanang anumang di-pagkakaintindihan para sa mga pagsipi at pagbubuod, lalo na sa mga layuning akademiko.
  • Dapat tukuyin ang may-akda o kung saan nanggaling ang datos, petsa, naglimbag, at iba pang impormasyon.
  • Plagiarism/ Plagiarismo ay ang maling paggamit, “pagnanakaw ng mga ideya, pananaliksik, lengguwahe, at pahayag” ng ibang tao sa layuning angkinin ito o magmukhang sa kaniya.
  • Ayon kay Diana Hacker, tatlong paglabag ang maituturing na plagiarism: 1.) hindi pagbanggit sa may-akda ng bahaging sinipi at kinuhananng ideya; 2.) hindi paglalagay ng panipi sa hiniram na direktang salita o pahayag; at 3.) hindi ginamitan ng sariling mga pananalita ang mga akdang ibinuod (summary) at hinalaw (paraphrase).
  • Hiya Ayon kay Dr De Castro
  • Malinaw na sinadyang pandaraya ito at malaki ang kabayaran dito paris ng pagpapatalsik sa unibersidad o suspensiyon nang ilang semester o taon.
  • Kamalayang mapanuri Binibigyang-halaga rito ang papel ng tao bilang tagapagpaganap (tagapagpagalaw at actor).
  • Pag-aatubili Hindi kailangang madaliin kundi bigyan ng sapat na panahong manaliksik at magsisyasatupang maiugnay ang mga gawain sa pagpapahalagang angkop sa kultura at lipunan.
  • Integridad Pinahahalagahan ang katapatan kaugnay ng paraan ng pagkuha, paggamit, at interpretasyon ng mga datos, gayundin ang paraan ng pagpapahayag ng katuwiran.
  • Pagkamakatarungan, katapatan, at pagsunod sa mga alituntunin May matuwid, at karampatang pagpapahalaga sa tao, katuwiran, ideya, at mga gawain.
  • Pagpapagawa o pagbabayad sa iba upang igawa ang papel, tesis, disertasyon, report, at iba pa.