Tauhan

Cards (34)

  • Binatang nag-aral sa Europa na nangarap makapagpatayo ng paaralan upang matiyak ang magandang kinabukasan ng kabataan ng San Diego.
    Don Crisostomo Ibarra
  • Siya ay sagisag ng mga Pilipinong nakapag-aral na maituturing na may maunlad at makabagong kaisipan.
    Don Crisostomo Ibarra
  • Siya ang kasintahan ni Crisostomo Ibarra na kumakatawan sa isang uri ng Pilipinang lumaki sa kumbento at nagkaroon ng edukasyong nakasalig sa doktrina ng relihiyon. Siya ay maganda, relihiyosa, masunurin, matapat, mapagpakasakit ngunit may matatag na kalooban.
    Maria Clara delos Santos
  • Siya ay isang piloto/bangkero at magsasakang tumulong kay Crisostomo Ibarra para makilala ang kanyang bayan at gayundin ang mga suliranin nito. Siya ay isang tunay na maginoo, hindi mapaghiganti, at may pambihirang tibay ng loob.
    Elias
  • Siya ay isang iskolar na nagsisilbing tagapayo ng marurunong na mamamayan ng San Diego.
    Pilosopo Tasyo
  • Taglay niya ang katangian ni Rizal na mapagpuna sa mga pangyayari sa paligid. May mga kaisipan siyang una kaysa sa kanyang panahon kaya't hindi siya maunawaan ng marami.
    Pilosopo Tasyo
  • Isang kurang Pransiskano na dating kura ng San Diego at siya ring nagpahukay at nagpalipat sa bangkay ni Don Rafel Ibarra sa libingan sa mga Intsik.
    Padre Damaso
  • Halimbawa siya ng isang taong madaling mauto at marupok ang kalooban sa mga papuring hindi sadyang nagmumula sa puso ng nagpaparangal.
    Padre Damaso
  • Isang mayamang mangangalakal na taga-Binondo na asawa ni Pia Alba at ama ni Maria Clara. Siya ay isang taongmapagpanggap at laging masunurin sa nakatataas sa kanya ngunti sakim at walang pinapanginoon kundi ang salapi.
    Don Santiago "Kapitan Tiago" delos Santos
  • Ama ni Crisostomo Ibarra na namatay sa bilangguan. Siya ay labis na kinainggitan ni Padre Damaso dahilan sa yaman na kanyang tinataglay. Ito ang dahilan kung bakit siya ay pinaratangang erehe ng pamahalaan.
    Don Rafael Ibarra
  • Kinakatawan niya ang taong naghahangad ng katarungan para sa kapwa. Kahanga-hanga ang kanyang paggalang at pagtitiwala sa batas at ang pagkamuhi sa mga paglabag dito.
    Don Rafael Ibarra
  • Ang mapagmahal na ina nina Basilio at Crispin na may asawang pabaya at malupit. Isang inang walang nalalaman kundi ang umibig at umiyak na lamang. Pinopoon niya ang asawa at nagpapakasakit alang-alang sa mga minamahal na anak.
    Sisa
  • Isang paring Dominikano na lihim na sumusubaybay sa bawat kilos ni Crisostomo Ibarra.
    Padre Hernando Sibyla
  • Bunsong kapatid ni Basilio na isa ring sakristan at kasama ring tumutugtog ng kampana sa simbahan ng San Diego.
    Crispin
  • Siya ang puno ng mga guwardiya sibil at siya rin mahigpit na kaagaw ng kura sa kapangyarihan sa San Diego.
    Alperes
  • Siya ay isang dating labanderang malaswa kung magsalita na naging asawa ng alperes.
    Donya Consolacion
  • Isang babaeng punumpuno ng kolorete sa mukha dahil sa kaniyang pagpapanggap bilang isang mestisang Espanyol. Mahilig din siyang magsalita ng Kastila bagama't ito ay laging mali.
    Donya Victorina de Espadana
  • Binatang napili ni padre Damaso na maging asawa ni Maria Clara. Siya ay malayong pamangkin ni Don Tiburcio.
    Alfonso Linares
  • Siya ang hipag ni Kapitan Tiago na nag-alaga kay Maria Clara simula nang siya ay sanggol pa lamang
    Tiya Isabel
  • Siya ang ina ni Maria Clara na sa loob ng anim na taon ng kanilang pagsasama ng kanyang kabiyak na si Kapitan Tiago ay hindi nagkaanak, Siya ay namatay matapos maisilang si Maria Clara.
    Donya Pia Alba delos Santos
  • Isa sa matatapat na kaibigan ni Don Rafael Ibarra. Siya rin ang tenyente ng guardia civil na nagkuwento kay Crisostomo Ibarra ng totoong sinapit ng kanyang ama.
    Tenyente Guevarra
  • Ang pinakamakapangyarihang opisyal at kinatawan ng Hari ng Espanya sa Pilipinas. Siya rin ang tumulong kay Crisostomo Ibarra para maalis siya sa pagka-ekskomulgado.
    Kapitan Heneral
  • Siya ang tagapamahala ni Crisostomo Ibarra sa pagpapagawa ng kanyang paaralan.
    Nol Juan
  • Ang kusang pumalit kay Padre Damaso sa bayan ng San Diego. Siya'y tahimik at may lihim na pagsinta kay Maria Clara
    Padre Bernardo Salvi
  • Isa sa mga naging kapitan ng Bayan ng San Diego na naging kalaban ni Don Rafel sa isang usapin sa lupa. Ama ni Sinang na kaibigan ni Maria Clara
    Kapitan Basilio
  • nakatatandang anak ni Sisa na isang sakristan at tumutugtog ng kampana sa kumbento. Sinasagisag niya ang mga walang malay at inosente sa lipunan
    Basilio
  • MGA KAIBIGAN NI MARIA CLARA
    Andeng Neneng Sinang Victoria Iday Albino Leon
  • Mahinhin at palaisip na kaibigan ni Maria Clara.
    Neneng
  • Kinakapatid ni Maria Clara na mahusay magluto.
    Andeng
  • Masayahing kaibigan ni Maria Clara na anak ni Kapitan Basilio.
    Sinang
  • Tahimik na kaibigan ni Maria Clara at kasintahan ni Albino.
    Victoria
  • Magandang kaibigan ni Maria Clara na tumutugtog ng alpa.
    Iday
  • Ang dating seminaristang nakasama sa piknik sa lawa at kasintahan ni Victoria.
    Albino
  • Kasintahan ni Iday na nakapansing may buwaya sa baklad.
    Leon