Barayti Pagkakaroon ng natatanging katangian nauugnay sa particular na uri ng katangian sosyo-sitwasyunal.
Dayalekto panrehiyon o heograpikal na varayti ng wika na may sariling ponolohiya, sintaksis at leksikon
Idyolek – Ito ang dayalek ng sinasalita ng pangkat ng mga tao na mayroong pansariling paraan ng pagsasalita ang bawat isa.
Register Anyo ng wika batay sa uri at sa paksa ng talakayan o larangan ng pinag-uusapan, sa mga tagapakinig o kinakausap o kaya ay sa okasyon at sa iba pang mga salik o factor.
Sosyolek – Batay sa katayuan o status ng isang gumagamit ng wika sa lipunang kanyang ginagalawan
Gay Lingo – grupong nais mapanatili ang kanilang pagkakakilanlan kaya naman binago nila ang tunog o kahulugan ng salita
Conyo – isang baryant ng Taglish na may ilang salitang Ingles na inihalo sa Filipino kaya’t masasabing may code switching na nangyayari
Jejemon – Ito ay nakabatay sa wikang Ingles at Filipino subalit isinusulat na titik kaya’t mahirap intindihin
Jargons – ito ang mga natatanging bokabularyo ng particular na pangkat na may kaugnayan sa kanilang trabaho o gawain
Pidgin Tinatawag sa Ingles na “nobody’s native language” o katutubong wika na ‘di pag-aari ninuman
Creole Ang pidgin, kapag nagiging wika o mother tongue ng isang pangkat ng tao.