Ang mahalagang katangian ng larawang sanaysay ay ang mismong paggamit ng larawan sa pagsasalaysay.
Layunin nitong magbigay ng kasiyahan sa taong gumagawa ng salaysay, magbigay ng mahalagang impormasyon, at malinang ang pagiging malikhain.
Maaaring gumamit ng salita ngunit mas angat ang larawan.
Makapagsasalaysay dito sa pamamagitan ng mga larawang may kronohilikal na ayos.
Naglalaman ang larawan ng iba't ibang pagkahulugan kung lalapatan ito ng iba't ibang lente ng pagdiskurso.
Nauusong gawin ng kahit sino sa kasalukuyan ang pagkuha ng "selfie" na maaaring bigyan ng angkop na sanaysay upang ipabatid ang kwento habang, bago, at pagkatapos ng pagkuha ng larawan.
Pumili ng paksa batay sa interes.
Magsagawa ng pananaliksik sa iyong paksang.
Isaalang-alang ang kawilihan at uri ng iyong mambabasa.
Tandaan na ang isang istoryang nakatuon sa mga pagpapahala o emosyon ay nakapupukaw sa damdamin ng mababasa.
Kung nahihirapan ka sa pagsusunod-sunod ng pangyayari gamit ang larawan...
Planuhing mabuti ang gagawin sanaysay gamit ang mga larawan.
Tandaan na higit na dapat mangibabaw ang larawan kaysa sa mga salita.
Palaging tandaan na ang larawang sanaysay ay nagpapahayag ng kronohikal na sanaysay, isang ideya at isangpanig sa isyu.
Halimbawa ng pictorial essay ay ang mga ss: brochure, poster, magasin.