Ang replektibong sanaysay ay isang uri ng sanaysay na tumatalakay sa mga isyu, opinyon, karanasan, o pangyayaring naisusulat ng may akda ng komprehensibo kahit na hindimasyadongpinag-aralan ang isang paksa.
Pormal na sanaysay: Nagbibigay ng isang palatastas sa isang paraang maayos at mariin at bunga ng isang maingat na pagtitimbang timbang ng mga pangyayari.
Impormal na sanaysay: Nagbibigay-diin sa isangistilong nagpapamalas ng katauhan ng may-akda.
Ang introduksyon ay dapat na mapukaw ang atensyon ng mambabasa.
Ang katawan ng sanaysay ay ilalahad ang mga pantulong o kaugnay na kaisipan tungkol sa paksa o tesis na inilahad sa panimula.
Ang wakas o konklusyon ay muling banggitin ang thesis o ang pangunahing paksa at lagumin ito.
Ang kabuuan ng sanaysay ay naglalaman ng iba't ibang aspeto ng natamasang karanasan.
Ang konklusyon ay sinasaklaw ang lahat ng puntong natalakay sa sanaysay.
Dapat inilalahad ang personal na interpretasyon.
Pormal na uri ng sanaysay: Tinatawag din itong impersonal o siyentipiko, binabasa upang makakuha ng impormasyon.
Impormal na uri ng sanaysay: Karaniwang may himig na parang pakikipag-usap o nais magpakilala ng isang panuntunan sa buhay.