Lakbay-sanaysay

Cards (15)

  • (O'Neil 2005) Ang lakbay sanaysay ay nangangailangan ng malinaw na pagkaunawa at perspektibo tungkol sa naranasan habang naglalakbay.
  • Ang lakbay sanaysay ay naglalarawan ng damdamin ng maglalakbay, mga lugar na kanyang napuntahan, tradisyon, kultura, at mga tao.
  • Ang lakbay sanaysay ay sinusulat gamit ang 4 na senses: panlasa, pandinig, paningin, at pang-amoy.
  • Ang layunin ng lakbay sanaysay ay pagdodokumento ng kasaysayan, kultura, at heograpiya ng isang lugar.
  • Mayroong dalawang uri ng lakbay sanaysay: pormal at di-pormal.
  • Ang pormal na lakbay sanaysay ay impormatibong paglalahad ng karanasan.
  • Ang di-pormal na lakbay sanaysay ay personal at mapang-aliw na paglalahad ng karanasan.
  • Ang lakbay sanaysay ay tinawag na 'sanaylakbay' ni Nonon Carandang. Mula sa konseptong: sanaysay, sanay, at lakbay.
  • Importante na laging sumulat ng may katotohanan sa lakbay sanaysay.
  • Ugaliing isulat agad ang mga nais ipahayag sa mga mambabasa.
  • Tiyakin na mapupukaw ang kawilihan ng mambabasa sa lakbay sanaysay.
  • Gamitin ang unang panauhang punto de bista sa pagsusulat ng lakbay sanaysay.
  • Isaalang-alang ang organisasyon ng lakbay sanaysay upang malinaw na maibahagi ang nais ipahayag.
  • Magtala ng mahahalagang detalye at kumuha ng mga larawan para sa dokumentasyon habang naglalakbay.
  • (Maestro Valle Rey 2019) ang lakbay na sanaysay ay mayroong kaakibat na mga layunin at uri.