Panahon ng Katutubo

Cards (31)

  • Ano ang saklaw ng panitikan ng alinmang bansa sa daigdig?
    Pasalita o pasulat na nagpapahayag ng damdamin
  • Ano ang pangunahing anyo ng panitikan noong panahon ng katutubo?
    Pabigkas
  • Anong mga anyo ng panitikan ang nasa anyong patula noong panahon ng katutubo?
    Bulong, tugmang-bayan, bugtong, epiko, salawikain, awiting-bayan
  • Ano ang paraan ng pagbabahagi ng kuwentong-bayan, alamat, mito at katutubong sayaw?

    Pasalindila
  • Ano ang sinusukat ng bugtong?
    Talino, bilis ng isip at uri ng katauhan
  • Ano ang kailangan para mahulaan ang palaisipan na tanong?
    Katalinuhan at maingat na pagninilay-nilay
  • Ano ang masasalamin sa salawikain at kasabihan?
    Moralidad at pagkaunawa sa buhay
  • Ano ang katangian ng salawikain?
    Patulang taludtod na nagbibigay-aral
  • Ano ang katangian ng kasabihan?
    Patulang taludtod na naghahayag ng katotohanan
  • Ano ang nais iparating ng salawikaing "Ang hindi lumingon sa pinanggalingan, Hindi makakarating sa paroroonan"?
    Mahalaga ang pagtanaw sa nakaraan
  • Ano ang nais iparating ng salawikaing "Kung ano ang puno, siya ang bunga"?
    Ang kalalabasan ay depende sa pinagmulan
  • Ano ang nais iparating ng salawikaing "Kung ano ang itatanim ay siya ring aanihin"?
    Gawin ay babalik sa iyo
  • Ano ang tanaga?
    Tula na may iisang saknong lamang
  • Ano ang nais iparating ng kasabihang "Walang mahirap na gawa kapag dinaan sa tiyaga"?
    Kailangan ang sipag para magtagumpay
  • Ilang taludtod mayroon ang tanaga?
    Apat
  • Ilang pantig mayroon sa bawat taludtod ng tanaga?

    Pito
  • Ano ang nilalaman ng tanaga?
    Pangaral at payak na pilosopiya
  • Ano ang layunin ng bulong?
    Humingi ng pasintabi sa mga lamang-lupa
  • Ano ang sumasalamin sa bulong?
    Paggalang at pangamba sa hindi nakikitang espiritu
  • Ano ang nilalaman ng awiting-bayan?
    Damdamin, kaugalian, karanasan, pananampalataya at hanapbuhay
  • Ano ang mga uri ng awiting-bayan?
    • Soliranin (rowing songs)
    • Talindaw (boat songs)
    • Diona (nuptial or courtship)
    • Ayayi o Uyayi (lullaby)
    • Dalit (hymns)
    • Kumintang (war or battle songs)
    • Sambotani (victory songs)
    • Kundiman (love songs)
  • Ano ang paksa ng epiko?
    Mahihiwagang pangyayari
  • Paano naipasa ang mga epiko bago dumating ang mga Kastila?
    Nagpasalin-salin sa bibig
  • Ano ang paksa ng alamat?
    Pinagmulan ng bagay o pook
  • Paano ipinapahayag ang mga alamat noong panahon ng katutubo?
    Pasalindila
  • Ano ang layunin ng ritwal?
    Mamagitan sa mga diyos at mortal
  • Sino ang nangunguna sa ritwal?
    Babaylan o sinaunang pari
  • Ano ang mga layunin ng ritwal?
    Pasasalamat, pagdiriwang, paghiling, pag-aapula
  • Paano inilalahad ang damdamin o salaysay sa sayaw?
    Sa pamamagitan ng galaw at tugtog
  • Bakit walang tiyak na impormasyon kung aling epiko ang pinakamatanda?
    Dahil sa hula batay sa isinalaysang pangyayari
  • Anong paksa ang madalas na tinatalakay sa alamat noong sinaunang panahon?
    Pinagmulan ng daigdig