mga tauhan

    Cards (44)

    • Simoun
      • Isang napakayamang mag-aalahas at kaibigang matalik at tagapayo ng Kapitan-Heneral.
    • Kapitan-Heneral
      • Hinirang siya ng Espanya bilang pinakamataas na pinunò ng pamahalaan. Sinasabi niyang kailangang pagbutihin ang kanyang tungkulin at gawain.
    • Mataas na Kawani
      • Siya ay isang Kastila at mataas na kawani ng pamahalaan na kagalang-galang, tumutupad sa tungkulin, may paninindigan, at may kapanagutan.
      • Siya ay may mabuting kalooban para sa kapakanan ng mga makabagong mag-aaral na nagsusulong ng pagtuturo ng wikang Kastila.
    • Padre Florentino
      • Isang mabuti at kagalang-galang na paring Pilipino si Padre Tolentino kahit pinilit lamang siya ng inang maging lingkod ng Diyos dahil sa kanyang panata.
      • Siya ang kumupkop sa pamangking si Isagani nang maulila sa magulang.
    • Padre Bernardo Salvi
      • Isang paring Pransiskano na pinakikinggan at iginagalang ng iba pa niyang kasamahang prayle. Siya ay mapag-isip.
      • Umibig siya nang lubos kay Maria Clara at kompesor ng dalagang ito ni Kapitan Tiago.
    • Padre Hernando Sibyla
      • Isang matikas at matalinong paring Dominiko. Siya ang Vice-Rector ng Unibersidad ng Santo Tomas.
      • Salungat siya sa pagpasa ng panukala upang makapag-aral at matuto ng wikang Kastila ang mga mag-aaral.
    • Padre Irene
      • Isang paring Kanonigo na minamaliit at di gaanong iginagalang ni Padre Camorra.
    • Padre Fernandez
      • Isang paring Dominiko na bukás ang isip sa pagbabago lalo na sa edukasyonng mga mag-aaral. Sang-ayon siya sa adhikain ng mga makabagong estudyante sa pag-aaral ng wikang Kastila.
    • Padre Camorra
      • isang batang paring Pransiskano na mahilig makipagtungayaw kay Ben Zayb sa kung ano-anong mga bagay na maibigan. Siya ang kura ng Tiani.
    • Padre Millon
      • Isang paring Dominiko na propesor sa Pisika at Kemika.
      • Mabuti siyang pilosopo at bantog siya sa husay sa pakikipagtalo subalit hindi niya lubusang maiparanas o maituro nang mahusay ang aralin sa mga mag-aaral.
    • Telesforo Juan de Dios
      • Kilalá rin bilang si Kabesang Tales, ang napakasipag na magsasaka na dating kasamá ng mayamang may lupain.
      • Umunlad siya dahil mahusay niyang ginamit ang kinitang pera.
    • Juliana o Juli
      • Ang pinakamagandang dalaga sa Tiani na anak ni Kabesang Tales.
      • Larawan siya ng Pilipinang madasalin, matiisin, masunurin, at madiskarte sa buhay para makatulong sa pamilya.
    • Tata Selo
      • ang kumalinga sa batang si Basilio sa gubat nang tumakas sa guwardiya sibil sa Noli Me Tangere. Siya ang maunawaing tatay ni Kabesang Tales.
      • mapagmahal na lolo siya nina Juli at Tano.
    • Tano/Carolino
      • anak ni Kabesang Tales na tahimik at kusang-loob na sumunod sa kagustuhan, ng amang siya y magsundalo.
    • Basilio
      • Nalampasan niya ang hilahil ng buhay dahil nagpaalipin siya kay Kapitan Tiago.
      • Nagpunyagi siya sa pag-aaral.
    • Isagani
      • Isang malalim na makata o manunugma. Mahusay siyang makipagtalo.
      • Matapang siya sa pagpapahayag ng kanyang pinaniniwalaan kaninuman.
    • Makaraig
      • Isang mag-aaral sa abogasya na nangunguna sa panawagang pagbubukas ng akademya sa pagtuturo ng Kastila.
    • Placido Penitente
      • Mahinahon at mapagtimpi ang kahulugan ng kanyang pangalan na pilit niyang pinaninindigan kahit pa lubhang kinaiinisan din niya ito.
    • Pecson
      • Mapanuring mag-aaral
      • Masigasig siyang makipagtalo upang mailabas ang matalinong kaisipan at Kasagutan sa iba't ibang usapin.
    • Juanito Pelaez
      • Isang mayamang mag-aaral na tamad at lakwatsero.
      • Laging inaabuso at tinatakot si Placido, May kapansanang pisikal subalit hindi niya naipakitang sagabal ito sa kanyang pagkatao dahil nakakamit niya ang mga nais.
    • Sandoval
      • Isang tunay na Espanyol si na lubos na kaisa sa adhikain ng mga estudyanteng Pilipino.
    • Tadeo
      • Siya ay mag-aaral na lubhang tamad at laging nagsasakit-sakitan tuwing makakikita ng propesor. Hangad niyang laging walang pasok sa paaralan upang makapaglakwatsa.
    • Paulita Gomez
      • isang masayahin at ang napakagandang dalagang hinahangaan ng karamihang lalaki.
    • Donya Victorina de Espadaña
      • Larawan ng isang Pilipinang walang pagpapahalaga sa kanyang lahi. Inaalimura, tinutuligsa, at itinatakwil ang mga Indiong kanyang kalipi.
    • Don Tiburcio de Espadaña
      • Espanyol na asawa ni Donya Victorina na nagtago at nagpasiyang hindi na muling pakita sa asawa dahil sa kapritso nito.
    • Don Santiago "Kapitan Tiago" delos Santos
      • Dating kaibigan ng mga prayle subalit sumamâ ang 1oob sa mga ito.
      • Nawalan ng kahulugan ang kanyang buhay nang pumasok na si Maria Clara sa monasteryo.
    • Maria Clara delos Santos
      • Ang tanging babaeng inibig ni Simoun sa kanyang buhay.
      • Isa siya sa mga dahilan ng pagbabalik ni Ibarra sa katauhan ni Simoun sa Pilipinas.
    • Kapitan Basilio
      • mayamang mamamayan na taga-San Diego.
      • Siya ang ama ni Sinang at asawa ni Kapitana Tika.
    • Don Custodio de Salazar y Sanchez de Monteredondo
      • Nakapag-asawa ng maganda at mayamang mestisa.
      • Umangat ang kanyang posisyon hanggang naging opisyal na tagapayo ng Kapitan-Heneral dahil sa likás niyang talino.
    • Ben Zayb
      • mamamahayag na malaya raw mag-isip.
      • Minsan ay kakatwa ang paksang nais niyang isulat magkaroon lamang ng ilalathala.
    • Ginoong Pasta
      • Naging alila siya ng mga prayle habang nag-aaral bago siya naging pinakatanyag na abogadong Pilipino.
      • Dati siyang kaklase ni Padre Florentino, Mapanuri at namimili siya ng kausap,
    • Pepay
      • Isang kaakit-akit na mananayaw.
      • Siya ay maputi at kaiba ang kulay sa karaniwang Pilipina, Mahilig siyang humingi ng mga pabor sa "kaibigang" si Don Custodio na nahihibang sa kanyang alindog Kaibigan din niya si Juanito Pelaez.
    • Hermana Bali
      • Isang batikang panggingera.
      • Siya ang nangunguna sa pagbibigay-payo sa mga may suliranin sa kanilang baryo.
    • Hermana Penchang
      • Isang masimbahing manang Naging panginoon ni Juli.
      • Mapanghusga siya sa mga taong sawimpalad - pinarurusahan daw ng Diyos ang may mga suliranin dahil makasalanan.
    • Kapitana Tika
      • asawa ni Kapitan Basilio at ina ni Sinang
      • Ayaw niyang magpahalatang nagugustuhan nilang mag-ina ang magaganda at mamahaling alahas upang hindi raw taasan ni Simoun ang presyo ng kanilang mga ibig na alahas.
    • Sinang
      • Ang isa sa matatalik na kaibigan ni Maria Clara sa Noli Me Tangere.
      • Siya ay nakapag-asawa na sa nobelang ito. Mabiro at masayahin pa rin siya.
    • Kabesang Andang
      • Butihing ina ni Placido Penitente.
      • Kahit balo na, matiyaga niyang pinag-aral ang anak.
    • Quiroga
      • Isang mayamang Intsik na manganga-lakal.
      • Halos kontrolado niya ang takbo ng kalakalan.
    • Don Timoteo Pelaez
      • Siya ang ama ni Juanito Pelaez.
      • Larawan siya ng mapandustang manganga-lakal.
      • Siya ang nakabili ng tahanan ni Kapitan Tiago sa murang halaga. Naging kasosyo siya sa negosyo ni Simoun.
    • Mr. Leeds
      • Mahusay sa mahika. Napaniwala niya ang mga manonood.
      • Nagamit siya upang mausig ang budhi ni Padre Salvi sa kanyang palabas.
    See similar decks