Dulot ng pagiging amsiyahin ng mga Pilipino, maging ang mga hiram na salita ay nagagamit sa pagbibiro at pagpapatawa, mula sa pagkakamali sa paggamit o pagbigkas at paglalaro ng salita hanggang sa kamalian ng iba't ibang personalidad sa pagsasalita nito. Ayon kay maggay, ang ganitong uri ng pagbibiro ay nagkakabisa sa mga kontekstong nalalaman at nauunawaan ang mga hiram na salita o kaya'y umaayon pa rin sa taglay na kapangyarihan ng wika.