Paggawa - tumutukoy sa mga trabaho, empleyo, pinagkikitaan o negosyo, at gawain.
SEKTOR ng AGRIKULTURA - pangunahing sektor ng ekonomiya ng Pilipinas. Pinagmumulan ng mga hilaw na sangkap na ginagamit sa sektor ng industriya para makagawa ng bagong produkto o serbisyo.
SEKTOR ng INDUSTRIYA - Kinabibilangan ng makina, ito ang taga-proseso ng hilaw na sangkap mula sa agrikultura sa tulong ng makinarya.
LIBERALISASYON - Malayang pagpasok ng malalaking kapital ng mga tagalabas na hindi makabubuti sa mga industriyang panloob na kulang sa kapital
DEREGULASYON - Nagdudulot ng pagbaha sa mga imported at luxury goods magiging kakompetensiya ng mga dati nang ginagawang produkto sa bansa.
PRIBATISASYON - Paglilipat ng mga pampublikong serbisyo sa kamay ng mga negosyante na magtataas ng bayad ng mga nasabing serbisyo gaya ng tubig, kuryente, at transportasyon.
SEKTOR ng SERBISYO - May malaking ambag sa ekonomiya ng bansa ang lakas-paggawa ng mga manggagawa. Mahalaga ito dahil ito ang gumagabay sa buong yugto ng produksiyon, distribusyon, kalakalan, at pagkonsumo
EMPLOYMENT PILLAR - Tiyakin ang paglikha ng mga sustenableng trabaho, malaya at pantay na oportunidad sa paggawa, at maayos na workplace para sa mga manggagawa.
WORKER’S RIGHTS PILLAR - Naglalayong palakasin at siguruhin ang paglikha ng mga batas para sa paggawa at matapat na pagpapatupad ng mga karapatan ng mga manggagawa.
SOCIAL PROTECTION PILLAR - Hikayatin ang mga kompanya, pamahalaan, at mga sangkot sa paggawa na lumikha ng mga mekanismo para sa proteksyon ng mga manggagawa, katanggap-tanggap na sahod, at oportunidad.
SOCIAL DIALOGUE PILLAR - Palakasin ang laging bukas na pagpupulong sa pagitan ng pamahalaan, mga manggagawa, at kompanya sa pamamagitan ng paglikha ng mga collective bargaining unit.
ISKEMANG SUBCONTRACTING - Tumutukoy sa kaayusan ng paggawa kung saan ang kompanya ay kumokontrata ng isang ahensiya o indibidwal na subcontractor upang gawin ang isang trabaho o serbisyo sa isang takdang panahon.
LABOR-ONLY CONTRACTING - Walang sapat na puhunan ang subcontractor upang gawin ang trabaho ng mga manggagawang walang direktang ugnayan sa gawain ng kompanya.
JOB CONTRACTING - May sapat na puhunan ang subcontractor upang maisagawa ang trabaho at mga gawain ng mga manggagawang ipinasok ng subcontractor.
REGULAR EMPLOYEE - Manggagawa na gumaganap sa gawaing pangkaraniwang kailangan ng nagmamay-ari at tumagal o umabot na ng isang taon sa trabaho.
APPRENTICES / LEARNERS - Manggagawa na bahagi ng TESDA apprenticeship program at On-the-Job Training o OJT na mga mag-aaral na walang regular na sahod.
CASUAL WORKERS - Manggagawa na mahalaga ang trabaho sa kompanya ngunit hindi kasinghalaga ng mga regular na empleyado
CONTRACTUAL / PROJECT-BASED WORKERS - Manggagawa ng kompanya na nagtatrabaho ayon sa pinirmahang kontrata o kaya naman ay nagtatrabaho base sa tagal ng isang proyekto.
PROBATIONARY WORKERS - Ang manggagawang inoobserbahan ng employer sa loob ng anim na buwan upang malaman kung ang manggagawa ay kwalipikado nang maging regular.
SEASONAL WORKERS - Manggagawa na tinatanggap o kinukuha sa isang partikular na panahon.
UNEMPLOYMENT - Isang sitwasyon kung saan ang isang indibidwal ay walang mapasukang trabaho sa kabila ng pagkakaroon ng kasanayan at kakayahan.
UNEMPLOYMENT RATE - Sukatan ng pagiging malaganap ng kawalan ng trabaho at ito ay sinusukat sa pamamagitan ng percentage o pagbabahagi o dividing ng bilang ng mga walang trabaho sa bilang ng mga indibidwal na kasalukuyang nasa lakaspaggawa o labor force.
Ekonomikong resesyon (economic recession) - Ito ay naging isa sa mga pangunahing dahilan ng kawalan ng trabaho sa United States noong 2007. Naging isang pandaigdigang krisis kung saan ang antas ng kawalan ng trabaho ay naging tila baga walang hangganan.
Welfare payment - Ang mga tulong na ibinibigay ng pamahalaan sa mga walang trabaho
Pagpapalit ng teknolohiya - Dahil hindi mapigil ang pagsulong ng teknolohiya, karamihan sa mga kompanya ay naghahangad ng pagbabago sa workforce. Ang mga empleyado ay napapalitan ng mas dalubhasa o marunong sa mga bago o advanced na mga teknik.
Ekonomikong implasyon (economic inflation) - Sa Ekonomiks, ang implasyon ay ang paglobo o pagtaas ng pangkalahatang antas ng mga presyo ng mga kalakal o produkto at mga serbisyo sa isang takdang panahon.
implasyon - isa sa mga pinakalumang dahilan ng kawalan ng trabaho na humahantong sa pagkabigo sa pag-export, dahil hindi magawa ng mga kompanya ang makipagkompitensiya sa iba dahil sa pagtaas ng presyo.
Kawalan ng kasiyahan sa trabaho - Ang kasiyahan sa trabaho o job satisfaction ay lubhang napakahalaga para sa sariling pag-unlad at pagkakaroon ng katatagan sa trabaho.
Pagpapahalaga ng empleyado - Salik din ng kawalan ng trabaho ang employee value. Kadalasan, ang mga empleyado ay hindi nabibigyan ng angkop na pagkilala para sa kanilang mahusay na pagganap at dedikasyon
Diskriminasyon sa lahi - Isa sa mga pinakaseryosong dahilan ng kawalan ng trabaho
Mismatch ng nag-aaplay sa makukuha - Sa bansa, may mismatch sa mga kursong madalas kunin ng mga kabataan at sa tunay na demand ng merkado. May mga fresh graduate rin na wala o kulang sa kasanayan kaya hindi matanggap-tanggap ng employer.
proteksyonismo - maaaring humantong sa mapanirang paghihigantihan ng mga bansa, at ang pagbaba ng kalakalan ay pumipinsala sa pang-ekonomiyang kalagayan ng lahat ng mga kasosyo sa kalakalan
Kredito ng buwis (tax credit) - Ang tax credit ay kilalang bahagi ng ano mang programa ukol sa pagtugon sa unemployment dahil ang mga negosyo ay nangangailangan ng konkretong dahilan upang umupa o kumuha ng mga manggagawa sa panahon ng krisis sa ekonomiya
Pagpopondo sa bawas na pasahod (funding reduced pay) -Ang Germany, halimbawa, ay may patakarang pampamahalaan na nagbibigay ng mg kredito sa buwis sa mga kompanya na pinaiikli ang oras ng trabaho ng mga empleyado sa halip na tanggalin sila
Pagsagip sa maliliit na negosyo - Paulit-ulit na sinasabi ng mga ekspertong ekonomista at ng mga organisasyon tulas ng Small Business Administration na ang maliliit na negosyo ang noon pa man ay siyang pangunahing makina sa paglikha ng trabaho sa mga bansa.
Pagtatrabaho para sa pamahalaan - Ang pagbibigay ng trabaho sa gobyerno, kahit pansamantala lamang ay makatutulong sa ekonomiya ng isang bansa sa panahon ng depresyon.
Pag-a-underwrite sa mga eksport - Para muling mapasigla ang ekonomiya upang magkaroon muli ng demand sa mga manggagawa, ang isang ekonomiya ay hindi dapat consumer-based, dapat nakasalalay sa ibang aspeto gaya ng sa pageeksport.
Mga trabaho sa konstruksiyon - Kapag nagkaroon ng depresyon, kabilang sa pangkaraniwang napipinsala ay ang industriya ng konstruksiyon.
UNDEREMPLOYMENT - Ang kalagayan ng mga manggagawa kung saan nangangailangan pa ng karagdagang oras ng pagtatrabaho o dagdag hanapbuhay upang mapalaki ang kita.
JOB MISMATCH - Isang kalagayan sa paggawa kung saan hindi tugma ang kwalipikasyon at kakayahan ng isang maggagawa sa pinapasukan nitong trabaho.