FILIPINO ☆

Cards (29)

  • Metodolohiya ay naglalarawan ng disenyo at pamamaraang gagamitin sa datos ng papel.
  • IMPACT ASSESSMENT- nagsisinsin sa nagihing dulot ng implementasyon ng mga polisya, proyekto, programa, pananaliksik, mga natuklasang solusyon at iba pa
  • Ang disenyo ay nakabatay sa proseso ng pag-aaral at may kaugnayan ito sa instrumentong gagamitin, gayundin, sa mga na kakailangananin.
  • Historikal ay ang ganitong uri ng metodo kung saan naglalayong mabigyan ng interpretasyon ang mga nakaraang kaganapan upang magkaroon ng matalinong hinuha sa hinaharap.
  • Penemenolohikal ay pinag-aaralan ang ibat ibang reaksyon at pananaw ng mga tao sa isang tiyak na penomena.
  • Korelasyonal ay naglalayong maunawaan ang relasyon o ugnayan ng nagaganap sa dalawang baryabol.
  • Etnograpiya ay nakikipamuhay sa mismong komunidad na kanyang sinasaliksik.
  • Kritikal na etnograpiya ay naglalayong punahin ang mga ‘di binibigyang pansin o pinagwawalang-bahalang konsepto at asumpsyong sosyal, ekonomiko, politikal, kultural at iba.
  • Kuwentong-buhay ay kilala ito sa tawag na narrative inquiry at maaring tumukoy sa isang espesikong metodo na ginagamit sa imbestigasyon ng isang penomenon.
  • Ekspersimentasyon ay isang proseso ng pag-aaral na may dalawang baryabol.
  • Eksploitador: ay isang proseso ng pag-aaral na isasagawa kung wala pang ganoong pag-aaral sa disenyong ito na makapaglatag ng mga bagong ideya na nagsisimula sa wala.
  • Aral-kaso: ay isang metodo sa pananaliksik na mailalarawan sa pamamagitan ng pagaaral ng isang napapanahong kaso o mga kaso sa tunay na buhay.
  • Aksyong pananaliksik ay isang sistema kung saan mga pangunahing suliranin ay isasagawa bilang isang sistema.
  • N.GROUNDED THEORY(Glaser at Strauss ,1967)- ang mga mananaliksik ay inaasahang makabuo ng isang teorya mula sa mga nakalap na datos bilang bahagi ng pagaaral.
  • PAGSUSURI NG DATOS
  • TRANSKRIPSYON- pagsasalin o paglilipat ng anyong audio o audio-visual tungong tekstwal na sanggunian.
  • REBYU NG POLISYA- pagsuusri ng datos partikular sa mga patakaran o batas upang mapalitaw ang kabisaan at kapakinabangan nito.
  • PAGHAHAMBING NA PAG-AANALISA(COMPARATIVE ANALYSIS)- pamaarang komparatibo at nagtatangkang detalyadong ipaliwanag ang pagkakatulad at pagkakaiba ng dalawa o higit pang konsepto o baryabol.
  • PAGTITIPOM GAMIT ANG PAGREKORD NG VIDEO- nagagamit ito upang makakuha ng balidong pangyayari, penomenon, o talang interbyu, na magiging datos para sa pagaaral.
  • SALIKSIK-ARKIBO- pagaaral na tulad ng historikal na pananaliksik, rebyu ng panitikan, dokumento, pagaanalisa ng mga niallaman, diskurso at iba pa.
  • PANANALIKSIK LEKSIKOGRAPIKO- pamamaraang pampamanaliksik na nangangailangan ng kasanayang palinggwistika.
  • PAGSUSURI NG DOKUMENTO(DOCUMENT/CONTENT ANALYSIS)- proseso sq pagsusuri sa paggamit ng wika sa loob ng panlipunang konteksto.
  • REBYU NG LITERATURA - pagsusuri sa mga nakalap na impormasyon sa pamamagitan ng analitikal na pagbasa sa mga nasusulat na komunikasyon, mga dokumento, o panitikan upang malutas ang suliranin.
  • TALATANUNGAN O SARBEY- sukatin ang mga pangyayari at dahilan ugnay sa populasyon o dami ng mga respondente.
  • OBSERBASYON- layunin nito ang masusing pagmamasid.
  • GINABAYANG TALAKAYAN(FOCUSED GROUP DISCUSSION(FGD)- maramihan at sabayang pakikipanayam.
  • PAKIKIPANAYAM O PAGTATANONG- tumutugon sa interaksyong personal sapagkat ang mga datos ay iniimbak sa pamamagitan ng tuwirang psalita mula sa kinakapanayam patungong kumakapanayam.
  • PAG-AANALISA NG DISKURSO(DISCLOSURE ANALYSIS)- nakatuon sa proseso ng pagsusuri sa paggamit ng wika sa loob ng panlipunang konteksto.
  • PAG-AANALISA SA GAMIT ANG S.W.O.T.(strength, weakness, opportunity and threat)- pag aanalisa ng baryabol gamit ang batayang strengths, weaknesses, opportunities, at threat, kahinaan, kalakasan, opportunidad at mga banta.