2nd Quarter Araling Panlipunan

Cards (115)

  • Bawat lungsod-estado ng Sumer ay pinamumunuan ng patesi -isang paring hari na namumuno sa relihiyon at poliyika ng lungsod.
  • Nakasentro ang pamumuhay sa mga lungsod-estado ng Sumer sa kanilang?
    Ziggurat
  • Siya ang naglikha ng pinakaunang batas sa kasaysayan na tinatawag na batas ng ur?
    Haring Ur Nammu
  • Itinuturing ito bilang pinakaunang nabuong batas sa kasaysayan na nilikha ng hari ng Ur?
    Batas ng Ur
  • Sa Sumeria, Siya ang nagsisilbing tagapamagitan sa mga diyos at mga tao at namumuno sa mga gawaing panrelihiyon?
    Patesi
  • Ito ay isang gusaling may maraming palapag at ito ang nagsilbing sentro ng politika, relihiyon, at ekonomiya?
    Ziggurat
  • Nakabatay sa sistemang ito ang relihiyon ng mga Sumerian sapagkat sumasamba sila sa maraming diyos at diyosa?
    Polytheism
  • Diyos ng katubigan sa Sumerian?
    Enki
  • Diyos ng Hangin ng mga Sumerian?
    Enlil
  • Diyos ng Kalangitan ng mga Sumerian?
    An
  • Diyosa ng Kalupaan ng mga Sumerian?
    Ninhursag
  • Ito ang sistema ng pagsusulat ng mga Sumerian?
    Cuneiform
  • Ang salitang Cuneiform ay hango sa anong terminong Latin?
    Cuneus at forma
  • Ang Terminong Latin na Cuneus at Forma ay nangangahulugang?
    Wedge o Sinsel at Shape o Hugis
  • Ito ang pinakamatandang epiko sa kasaysayan at maaring pinagbatayan sa Lumang Tipan?
    Epic of Gilgamesh
  • Pinakaunang mapa sa kasaysayan?
    Mapa ng Nippur
  • Sino ang nakatuklas ng Cuneiform sa makabagong mundo?
    Pietro Della Valle
  • Nabasa niya ang Cuneiform noong 1846 nang kaniyang kinompara ito sa Behistun Rock?
    Henry Creswicke Rawlinson
  • Isang malaking kontribusyon sa kasalukuyang sibilisasyon ang pagkilala ng mga Sumerian sa sistemang ito o ang pagbibilang batay sa 60?
    sexagesimal
  • Gamit ang sistemang ito na ginawa ng mga Sumerian ay nasukat nila ang bilog na may 360 degrees at nakagawa rin sila ng kalendaryong lunar ?
    Sexagesimal
  • Ito ang pinakamahalagang ambag ng mga Sumerian sa larangan ng teknolohiya?
    gulong at araro o karwahe
  • Pinabilis ng mga Sumerian ang paggawa ng palayok gamit ang teknolohiyang ito?
    Wheel-spun pottery
  • Nalikha ng mga Sumerian ang Bronze sa pamamagitan ng paghahalo ng copper at tin at nakagawa rin sila ng iba pang mga kagamitang yari sa metal gamit ang teknolohiyang ito?
    Sining ng metalurhiya
  • Ang mga Akkadian ay pangkat ng mga mamamayang nanirahan sa hilagang-sentral na bahagi ng Mesopotamia na kung tawagin ay?
    Akkad
  • Noong 2350 BCE, sinakop ng mga Akkadian ang Sumer sa pamumuno ni?
    Sargon I
  • Siya ang pinakadakilang hari ng mga Akkadian?
    Sargon I
  • Ito ang pinakaunang imperyo sa kasaysayan?
    Imperyong Akkadian
  • Ang sentrong-lungsod ng mga Akkadian ay nasa gitanang bahagi ng Mesopotamia na kung tawagin ay?
    Agade
  • Unti-Unting humina ang Imperyong Akkadian ng sumalakay sa Agade ang dalawang pangkat na ito?
    Amorite at Elamite
  • Mula sa kanlurang Mesopotamia, naging makapangyarihan sa rehiyon ang pangkat ng mga Amorite noong 2000 BCE at itinatag ang imperyong ito?
    Imperyong Babylonian
  • Naging kabisera ito ng imperyong Babylonian kung kaya't higit na nakilala ang mga mamamayan nito bilang mga Babylonina?
    Babylon
  • Siya ang pinakadakilang hari ng Imperyong Babylonian?
    Hammurabi
  • Siya ang bumuo ng kodigo ni Hammurabi (Hammurabi Code)?
    Hammurabi
  • Ito ang kalipunan ng mga batas ng mga Sumerian, Akkadian, at Amorite na karaniwang nauukol sa ugnayan ng pamilya, lipunan, at relihiyon?
    Hammurabi Code
  • Naging tanyag ang Hammurabi Code sa kasaysayan dahil sa pagiging marahas at malupit nito na karaniwang inuugnay sa anong prinsipyo?
    "mata sa mata, ngipin sa ngipin"
  • Isang proseso sa Imperyong Babylonian kung saan ang isang inaakusahang nagkasala ay kailangang sumailalim sa isang pagsubok upang mapatunayan kung siya ay tunay na nagkasala o inosente sa isang paratang?
    Trial by Ordeal
  • Nakilala ang mga ito sa kasaysayan bilang mabagsik at nakakatakot na mga mandirigma na gumagamit ng makabagong taktika at kagamitan sa pakikipaglaban?
    Assyrian
  • Noong 1120 BCE, itinatag niya ang Imperyong Assyrian?
    Tiglath-Pileser I
  • Nakilala ang imperyong ito bilang pinakamalawak na imperyo sa panahong iyon?
    Imperyong Assyrian
  • Isa siya sa mga naging kilalang pinuno ng Imperyong assyrian noong 668 BCE - 627 BCE?
    Ashurbanipal