Ang parabula ay mula sa wikang Griyegong parabole na nangangahulugang paghahambing, paglalarawan, o analohiya. Isa itong analohiya na nagsusuri at naghahambing ng dalawang bagay na magkaugnay, magkapareho, magkatumbas, o may mga katangiang maaaring pagtularan. Tekstong eskritura ito na may layuning magbigay ng aral. May natatanging kahulugan ang mga parabula na nagmumungkahi ng mga paraan ng wastong gawi at pag-uugali.