Iba't Ibang Antas ng Kasidhian ng Pang-uri

Cards (9)

  • Pang-uri
    • salita o lipon ng mga salita na iniuugnay sa mga pangngalan at panghalip upang maipakita ang katangian o attribute na ikinatatangi nito sa iba.
  • Lantay
    • Karaniwang anyo ng pang-uri
    Halimbawa: mayaman, pang-araro, palabiro
  • Katamtamang Antas
    • naipakikita ito sa paggamit ng medyo, nang bahagya, nang kaunti, o sa pag-uulit ng salitang ugat o dalawang unang pantig.
    Halimbawa: Medyo hilaw, labis nang bahagya, mapurol nang kaunti
  • Pinakamasidhi
    • naipakikita sa pamamagitan ng pag-uulit ng salita; paggamit ng mga panlaping napaka, nag, an, pagka, at kay; at paggamit ng salitang lubha, masyado, totoo, talaga, tunay, at iba pa.
    Halimbawa: Mahabang-mahaba, napakalamig
  • Ang salitang "mabiro" ay halimbawa ng Lantay.
  • Ang "medyo masama" ay halimbawa ng Katamtamang Antas.
  • Ang "bahagyang napagod" ay halimbawa ng Katamtamang Antas.
  • Ang "napakalaki" ay halimbawa ng pinakamasidhi.
  • Ang "mahaba-haba" ay halimbawa ng pinakamasidhi.