Ayon sa artikulong Pagsasalin: Instrumento sa Intelektwalisasyon ng Filipino (1991), may mahahalagang larangan na nangangailangan ng mataas na kasanayan sa wika, lalo na sa pagbasa at pagsulat. Kabilang dito ang edukasyon, mass media, siyensya at teknolohiya, gobyerno, batas, hukuman, komersyo at industriya, medisina, abogasya, at panitikan. Upang maging isang dominanteng midyum ng komunikasyon, dapat gamitin ang intelektwalisadong Filipino sa mga larangang ito.