Maaaring maisagawa ang pagsasalin sa pamamagitan ng pagtutumbas sa kaisipang nasa likod ng mga pahayag na berbal. (Theodore Savory, 1968).
Napakahalaga ng pagsasaling-wika upang mailapat ang mga ‘naimbak’ na karunungang nasa mga aklat na nasusulat sa Ingles at iba pang intelektwalisadong wika.
Ang wika ayon kay Gleason ay isang masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo upang magamit sa pakikipagtalastasan ng tao na kabilang sa isang kultura.
Ang alinmang wika ay nakabuhol sa kultura ng mga taong likas na gumagamit nito.
Ayon sa aklat ni Santiago, ang tatlong katangiang dapat taglayin ng nagsasalin ayon kina Nida at Savory ay ang:
Sapat na kaalaman sa dalawang wikang kasangkot sa pagsasalin
Sapat na kaalaman sa paksang isasalin
Sapat na kaalaman sa kultura ng dalawang bansang kaugnay sa pagsasalin
Isa sa katangian ng tagasalin ang dapat may kasanayan sa dalawang wikang kasangkot sa pagsasalin.
Ayon kay Santiago (1994), "Noong panahon naman ng Amerikano ay aklat o edukasyon sa pamamagitan ng wikang Ingles." Ipinaliwanag pa niya na sa panahong ito nagsimulang makapasok sa Pilipinas nang lansakan ang iba’t ibang uri ng genre ng panitikan at naging masigla ang pagsasalin sa wikang pambansa lalo na ng mga akdang klasiko.
Sa pagsasaling-wika, isinasaisip ang mga limitasyon na kabilang ang diwa (konteksto), ang patakarang pambalarila (gramatika) ng dalawang wika, ang pamamaraan at gawi ng pagsulat sa dalawang wika, at ang kanilang mga wikain (kawikaan o idyoma).
"Kung ang pagkaimbento ng papel ay napakahalaga sa lansakan at matagalang pang-iimbak ng matatayog na karunungan at dakilang panitikan, ang pagsasalin naman ang naging mabisang kasangkapan sa pagkakalat at pagtanggap ng mga naturang pamana ng sibilisasyon sa iba’t ibang lugar sa buong mundo."
"Kasangkapan ang pagsasalin upang ganap na makinabang ang isang bansa o pook sa mga impluwensiyang mula sa isang sentro o sulong na kultura."