Kilos ng Tao

Cards (27)

  • Dalawang Uri ng Kilos ng Tao:
    1. Ang Kilos ng Tao (Acts of Man)
    2. Makataong Kilos (Human Act)
  • Kilos ng Tao o Acts of Man - mga kilos na nagaganap sa tao.
  • Kilos ng Tao o Acts of Man - likas sa tao o ayon sa kaniyang kalikasan bilang tao at hindi ginagamitan ng isip at kilos-loob.
  • Kilos ng Tao o Acts of Man - walang aspekto ng pagiging mabuti o masama kaya walang pananagutan ang tao kung naisagawa ito.
  • Makataong Kilos o Human Act - mga kilos na isinagawa ng tao nang may kaalaman, malaya, at kusa.
  • Makataong Kilos o Human Act - resulta ng kaalaman, ginagamitan ng isip at kilos-loob, kaya't may pananagutan ang tao sa pagsasagawa nito.
  • Makataong Kilos o Human Act - kilos na niloob, sinadya, at kinusa sapagkat isinasagawa ito ng tao sa panahon na siya ay responsable, alam niya ang kaniyang ginagawa at ninais niyang gawin ang kilos na ito.
  • Makataong Kilos o Human Act - may pagkukusa, kalayaan, kaalaman, at kapanagutan.
  • Pananagutan - nararapat na may kaalaman at kalayaan sa piniling kilos upang masabing ang kilos ay pagkukusang kilos (voluntary act).
  • Tatlong Uri ng Kilos Ayon sa Kapanagutan (Accoutability):
    1. Kusang Loob
    2. Di Kusang Loob
    3. Walang Kusang Loob
  • Kusang Loob - kilos na may kaalaman at pagsang-ayon.
  • Kusang Loob - ang gumawa ng kilos ay may lubos na pag-unawa sa kalikasan at kahihinatnan nito.
  • Di Kusang Loob - may paggamit ng kaalaman ngunit kulang ang pagsang-ayon.
  • Di Kusang Loob - makikita ito sa kilos na hindi isinagawa bagaman may kaalaman sa gawain na dapat isakatuparan.
  • Walang Kusang Loob - walang kaalaman kaya't walang pagsang-ayon sa kilos.
  • Walang Kusang Loob - ang kilos na ito ay hindi pananagutan ng tao dahil hindi niya alam kaya't walang pagkukusa.
  • Apat na Elemento sa Proseso ng Pagkilos:
    1. Paglalayon
    2. Pag-iisip ng paraan na makarating sa layunin
    3. Pagpili ng pinakamalapit na paraan
    4. Pagsasakilos ng paraan
  • Mapanagutang Kilos - may papel ng isip at kilos-loob.
  • Mga Salik na Nakaapekto ng Makataong Kilos:
    1. Kamangmangan
    2. Masidhing Damdamin
    3. Takot
    4. Karahasan
    5. Gawi
  • Kamangmangan - tumutukoy sa kawalan o kasalatan ng kaalaman na dapat taglay ng tao.
  • Masidhing Damdamin - dikta ng bodily appetites o pagkiling sa isang bagay o kilos (tendency) o damdamin.
  • Takot - ang pagkabagabag ng isip ng tao na humaharap sa anumang uri ng pagbabanta sa kaniyang buhay o mahal sa buhay.
  • Karahasan - pagkakaroon ng panlabas na puwersa upang pilitin ang isang tao na labag sa kaniyang kilos-loob at pagkukusa.
  • Gawi - mga gawain na pauli-ulit na isinasagawa at naging bahagi na ng sistema ng buhay sa araw-araw.
  • Agapay - ayon sa kaniya, anumang uti ng Tao ang isang indibidwal ngayon at kung maging anong uri siya ng tao sa mga susunod na araw ay nakasalalay sa uri ng kilos na kaniyang ginagawa ngayon at gagawin pa sa nalalabing araw ng buhay.
  • Aristotle - ayon sa kaniya, ang kilos o gawa ay hindi agad nahuhusgahan kung masama o mabuti. Ang pagiging mabuti at masama nito ay nakasalalay sa intensyon kung bakit ginawa ito.
  • Aristotle - ayon din sa kaniya, ang kapanagutan ng isang tao sa kalalabasan ng ginawang kilos ay may kabawasan maliban sa lamang kung may kulang sa proseso ng pagkilos.