Salik na Nakaapekto sa Resulta ng Kilos

Cards (24)

  • Makataong Kilos - bunga ng ating isip at kagustuhan na nagsasabi ng ating katangian. Kung ano tayo at kung ano ang kalabasan ng ating kilos ay batay sa ating pagpapasiya.
  • Makataong Kilos - hindi lahat ng ating isinagawang kilos ay mabuti at hindi lahat ng kilos ay maituturing na makatao.
  • Sto. Tomas de Aquino - ayon sa kaniya, ang moral na kilos ay ang makataong kilos sapagkat malayang patungo ito sa layuning na pinag-isipan.
  • Isip - ang papel na ginagampanan ay humusga at mag-utos.
  • Kilos-Loob - ang papel na ginagampanan ay tumungo sa layunin o intensiyon ng isip.
  • Panloob at Panlabas na Kilos - hindi maaaring maghiwalay sapagkat kung masama ang panloob, magiging masama rin ang buong kilos, kahit mabuti ang panlabas.
  • Panloob na Kilos - nagmula sa isip at kilos-loob.
  • Panlabas na Kilos - pamaraan na ginagamit upang isakatuparan ang panloob na kilos.
  • Sto. Tomas de Aquino - ayon sa kaniya, sa bawat makataong kilos, ang kilos-loob ay tumutungo sa layunin. Hindi makapaghahangad ng anuman ang isang tao kung wala itong pinakahuling layunin at ito ay ang makapiling ang Diyos sa kabilang buhay.
  • Salik na Nakakaapekto sa Resulta ng Kilos:
    1. Layunin
    2. Paraan
    3. Sirkumstansiya
    4. Kahihinatnan
  • Layunin - panloob na kilos kung saan nakatuon ang kilos-loob at pinakalayunin o pinatutunguhan ng kilos.
  • Layunin - hindi nakikita o nalalaman ng tao dahil ito ay personal sa taong gumagawa ng kilos kaya ito'y tumutukoy sa taong gumagawa ng kilos (doer).
  • Sto. Tomas de Aquino - sabi niya, hindi maaaring husgahan kung mabuti o masama ang kilos kung hindi ito isinasaalang-alang ang layunin ng taong gumawa niyo. Mahalagang tignan ang buong kilos na kasama ang layunin ng taong gumawa nito.
  • Paraan - panlabas na kilos na kasangkapan o paraan upang makamit ang layunin.
  • Sto. Tomas de Aquino - ayon sa kaniya, may nararapat na obheto ang kilos.
  • Sirkumstansiya - isang kondisyon o kalagayan ng kilos na nakababawas o nakadaragdag sa kabutihan o kasamaan ng isang kilos.
  • Sirkumstansiya - tumutukoy sa tao na nagsasagawa ng kilos o sa taong maaaring naaapektuhan ng kilos.
  • Sirkumstansiya:
    1. Sino
    2. Ano
    3. Saan
    4. Paano
    5. Kailan
  • Sino - tao na nagsasagawa o naaapektuhan ng kilos.
  • Ano - mismong kilos, gaano ito kalaki o kabigat.
  • Saan - lugar kung saan ginagawa ang kilos.
  • Paano - paraan kung paano isinasagawa ang kilos.
  • Kailan - kung kailan isasagawa ang kilos.
  • Kahihinatnan - nagaganap dahil ang kilos ay may dahilan, batayan, at kaakibat na pananagutan na dapat isaalang-alang kaya't nararapat na ito ay masusuring pag-isipan at pagplanuhang mabuti ang kilos.