Nobela – isang mahabang salaysayin ng mga kawing-kawing na pangyayari na nagaganap sa mahabang saklaw ng panahon, kinasasangkutan ng maraming tauhan at nahahati sa mga kabanata.
Maikling Kwento – isang salaysay ng isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may isang kakintalan o impresyon.
Dula – isang uri ng panitikan na isinusulat upang itanghal sa entablado o tanghalan.
Alamat – ay mga salaysaying nauukol sa pinagmulan ng mga bagay-bagay.
Pabula – ay mga salaysaying kinasasangkutan ng mga hayop, halaman at maging ng mga bagay na walang buhay na kumikilos at nagsasalita na wri ba’y tunay na mga tao.
Parabula – ay mga kwentong hinango sa Banal na Kasulatan.
Anekdota at maikling salaysaying may layuning umaliw o magbigay-aral sa mga mambabasa. Maaari ring ito ay kinasasangkutan ng mga hayop o ng mga bata.
Sanaysay – ay isang pagpapahayag ng kuru-kuro o opinion ng isang may-akda hinggil sa isang suliranin o paksa. Ang mga editorial na inilalathala sa mga pahayagan at iba pang babasahin ay mga mahuhusay na halimbawa ng sanaysay.
Talambuhay – ay kasaysayan ng buhay ng isang tao.
Balita – ay paglalahad ng mga pang-araw-araw na pangyayari sa lipunan, pamahalaan, sa mga lalawigan, sa ibayong dagat, maging sa industriya, kalakalan, agham, edukasyon, palakas at pinilakang-tabing.
Talumpati – ay isang pagpapahayag na binibigkas sa harap ng mga tagapakinig. Ang talumpati ay nauuri batay sa iba’t ibang layunin. Ang isang talumpati ay maaaring may layuning humikayat, magbigay impormasyon, magpaliwanag, mangatwiran, maglahad ng opinion o paniniwala o lumibang.