Ang panitikan ay may malaking impluwensya sa daigdig.
Banal na Kasulatan o Bibliya – ang nagging pinakabatayan ng pananampalatayang Kristiyano sa buong daigdig.
Koran mula sa Arabia – ang pinakabibliya ng mag Muslim.
Illiad at Oddysey ni Homer – kinatutuhan ng mga mitolohiya at alamat sa Gresya
Mahabharata – tumatalakay sa kasaysayan ng pananampalataya sa Indiya. Ipinapalagay itong pinakamahabang epiko sa buong daigdig.
Canterburry Tales ni Chaucer – naglalarawan sa pananampalataya at pag-uugali ng mga Ingles noong unang panahon.
Uncle Tom’s Cabin ni Harrit Beecher Stowe – nagbukas sa mga mata ng Amerikano sa kaapihan ng mga lahing itim at nagging simula ng paglaganap ng demokrasya sa buong daigdig.
Divina Comedia ni Dante - nagpapahayag ng moralidad, pananampalataya at paguugali ng mga Italyano noong panahon.
El Cid Compeador – naglalarawan sa katangiang panlapi ng mga Kastila at kasaysayan ng Espanya.
Isang Libo at Isang Gabi – akdang nagmula sa Arabya at Persya. Naglalarawan ito ng pamahalaan, kabuhayan at lipunan ng mga Arabo at Persyano.
Analects ni Confucius – katipunan ng mga kasabihan at ideya na pinagbatayan ng Confucius sa Tsina.
Aklat ng mga Patay – naglalarawan ng mga kulto ni Osiris at tumatalakay sa mitolohiya at teolohiya ng Ehipto.
Awit ni Rolando – kinapapalooban ito ng Doce Pares at Roncesvalles ng Pransya. Isinasalaysay ditto ang gintong panahon ng Kristiyanisno sa Pransya.