Sektor ng Agrikultura

Cards (14)

  • Agrikultura
    Ay mula sa salitang Latin na agricultura o “kultibasyon’ ng lupa. Ito ay isang gawain na nakaangkla sa pagpapayaman sa gamit ng lupa.
  • Pagsasaka
    Tumutukoy ito sa gawain ng pagtatanim ng iba’t ibang uri ng halaman na maaaring makain at pagmulan ng kabuhayan, tulad ng palay, kamote, mais, at iba pang mga prutas at gulay.
  • Pangungubat
    Kinapapalooban ito ng mga gawain na may kaugnayan sa pagkuha ng mga mahahalagang punong kahoy sa kagubatan gaya ng mahogany at akasya (acacia).
  • Paghahayupan
    Ang livestock ay mga hayop na pinalalaki at inaalagaan upang mapagkunan ng kita o magamit sa personal na pagkonsumo. Kabilang sa gawain na ito ang pag-aalaga at pagpaparami ng mga hayop gaya ng baboy, baka, manok, at iba pa. Ito ay pinagkukunan ng karne at mga produktong galing sa dairy.
  • Pangingisda
    Ito ay maaaring maihanay bilang pangingisdang komersiyal, pangingisdang munisipal, at aquaculture.
  • Komersyal
    Ay tumutukoy sa pangingisda na ginagawa sa mga katubigan sa paligid ng Pilipinas o  offshore waters at gumagamit ng mga sasakyang pang-mangingisda na mahigit sa tatlong tonelada.
  • Munisipal
    Isinasagawa naman ito sa mga katubigan sa paligid ng baybayin ng bansa o inland waters na gumagamit ng mga bangkang mas mababa sa tatlong tonelada. Ito ay ang pangingisda na sa loob lamang ng 15 kilometrong sakop ng munisipyo.
  • Aquaculture
    Ginagawa naman ito sa pamamagitan ng pagbuo ng mga fish pen, lawa, o kulungan na naglalayong magparami ng mga isda tulad ng bangus o tilapia.
  • Kahalagahan ng Sektor Agrikultura:
    • Tumutugon ito sa pangunahing pangangailangan ng bawat isa—ang pagkain.
    • Pinagmumulan ito ng mga hilaw na materyales na ginagamit bilang sangkap sa produksiyon para sa industriya kung kaya’t itinuturing ang sektor na ito bilang primaryang sektor ng ekonomiya.
    • Nagkakaloob ito ng trabaho para sa mga Pilipino.
    • Pinagmumulan din ito ng kita ng bansa dulot ng pakikipagkalakalan nito. Ilan sa mga pangunahing produktong iniluluwas nito ay ay saging, coconut oil, at tuna na inaangkat ng mga bansang Tsina, Estados Unidos, at Hapon.
  • Suliranin sa Sektor ng Agrikultura:
    • Kakulangan sa mga pasilidad gaya ng irigasyon o patubig, mga pasilidad para sa postharvest na magagamit sa pag-iimbak ng mga produkto nito, mga farm to market roads na makatutulong sa mabilis na transportasyon ng mga produkto at ang mabagal na mekanisyon na nangangahulugan ng atrasadong teknolohiya sa agrikultura dulot ng hindi sapat  na suporta sa pananaliksik at pag-unlad.
    • Tumatandang populasyon o ageing population  na mga magsasaka na nasa edad na 57-59 taong gulang.
    • Land conversion
    • Climate change
  • Department of Agriculture (DA)

    Gumagabay sa mga magsasaka ukol sa makabagong teknolohiya at wastong paraan ng pagtatanim.
  • Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR)

    Sinisikap na paunlarin ang larangan ng pangingisda.
  • Bureau of Animal Industry (BAI)

    Nangangasiwa sa larangan ng paghahayupan.
  • Ecosystem Research and Development Bureau (ERDB)

    Nagsasagawa ng pananaliksik sa ecosystem upang magbigay ng siyentipikong batayan sa pangangalaga ng kapaligiran at yamang gubat.