wika

Cards (13)


  • Ang wika ay isang napakahalagang instrumento ng komunikasyon.
  • Ang wika ay mula sa pinagsama-samang makabuluhang tunog, simbolo, at tuntunin ay nabubuo ang mga salitang nakapagpapahayag ng kahulugan o kaisipan. 
  • yon kina PazHernandez, at Peneyra (2003), ang wika ay tulay na ginagamit para maipahayag at mangyari ang anumang minimithi o pangangailangan natin.
  • Ayon kay Henry Allan Gleason, Jr., isang linggwista at propesor emeritus sa University of Toronto, ang wika ay masistemang balangkas ng mga tunog na pinili at isinaayos sa pamamaraang arbitraryo upang magamit ng mga taong nabibilang sa isang kultura.
  • Si Charles Darwin ay naniniwalang ang wika ay isang sining tulad ng paggawa ng serbesa o pagba-bake ng cake, o ng pagsusulat. 
  • Sa Saligang Batas ng 1987 ay pinagtibay ng Komisyong Konstitusyunal na binuo ni dating pangulong Cory Aquino ang implementasyon sa paggamit ng Wikang Filipino
  • Nakasaad sa Artikulo XIVSeksyon 6 ang probisyon tungkol sa wika na nagsasabing: "Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino.
  •  Executive Order no. 335 serye ng 1988. Ito ay "nag-aatas sa lahat ng mga kagawaran, kawanihan, opisina, ahensiya, at instrumentaliti ng pamahalaan na magsagawa ng mga hakbang na kailangan para sa layuning magamit ang Filipino sa opisyal na mga transaksiyon, komunikasyon, at korespondensiya."
  • Sa pagpasok ng K to 12 Kurikulum, ang Mother Tongue o unang wika ng mga mag-aaral ay naging opisyal na wikang panturo mula Kindergarten hanggang Grade 3 sa mga paaralang pampubliko at pribado man
  • Ayon kay DepEd Secretary Brother Armin LuistroFSC, "ang paggamit ng wikang ginagamit din sa tahanan sa mga unang baytang ng pag-aaral ay makatutulong mapaunlad ang wika at kaisipan ng mga mag-aaral at makapagpapatibay rin sa kanilang kamalayang sosyo-kultural."
  • Monolingguwalismo ang tawag sa pagpapatupad ng iisang wika sa isang bansa tulad ng isinasagawa sa mga bansang England, Pransya, South Korea, Hapon, at iba pa, kung saan iisang wika ang ginagamit na wikang panturo sa lahat ng larangan o asignatura.
  • Bilingguwalismo
    Binigyang pagpapakahulugan ni Bloomfield (1935) ang bilingguwalismo bilang paggamit o pagkontrol ng tao sa dalawang (2) wika na tila ba ang mga ito ay kanyang katutubong wika.
  • Multilingguwalismo
    Ang Pilipinas ay isang bansang multilingguwal. Mayroon tayong mahigit 180 wika at wikain