Tumutugon sa pangangailangan ng tao gaya ng pakikipag-ugnayan sa iba.
REGULATORYO
Ito ang tungkulin ng wika na tumutukoy sa pagkontrol ng ugali at asal ng ibang tao. Pagbibigay ng direksyon gaya ng pagtuturo ng tamang lokasyon sa isang partikular na lugar,mga hakbang sa pagluluto, pagsagot ng pagsusulit at iba pang may direksyon sa paggawa ng isang bagay ay mga halimbawa ng tungkuling regulatoryo.
INTERAKSYONAL
Nakikita ito sa pakikipag-ugnayan ng tao sa kanyang kapwa, pakikipagbiruan, pakikipagpalitan ng kuro-kuro tungkol sa partikular na isyu, pagkukuwento ng malungkot o masasayang pangyayari sa isang kaibigan o kapalagayang loob, at iba pa.
PERSONAL
Saklaw ng tungkuling ito ang pagpapahayag ng sariling opinyon o kuro-kuro sa paksang pinag-uusapan. Kasama rin dito ang pagsulat ng talaarawan at journal, at ang pagpapahayag ng pagpapahalaga sa anumang anyo ng panitikan.
HEURISTIKO
Ginagamit ito sa pagkuha o paghahanap ng impormasyong may kinalaman sa paksang pinag-aaralan.
IMPORMATIBO
Kung ang heuristiko ay pagkuha o paghanap ng impormasyon, ito naman ay may kinalaman sa pagbibigay ng impormasyon sa paraang pasulat at pasalita.