Komunikasyon at Pananaliksik ng Wika

Cards (19)

  • Ginagamit na may sistema at binubuo ng mga tunog o mga letra para maihayag ang gustong sabihin.
    Wika
  • Isang sistema o komunikasyon sa pagitan ng mga tao gamit ang pagsulat at pagsalitang simbolo
    Webster
  • Ito ay ang pangunahin at pinakaelaboreyt na anyo ng simbolikong gawaing pantao
    Hill
  • Ano ang mga katangian ng wika
    1. Masistemang balangkas
    2. Sinasalitang tunog
    3. Pinili at Isinaayos sa Paraang Arbitaryo
    4. Nakaugnay sa Kultura
  • Tamang baybay sa mga salita, balarila, at marami pang iba. Nagpapatunay rin nito ay ang sistemang pag-aaral ng linggwistika: pomolohiya, morpolohiya, at sintaks
    Masistemang Balangkas
  • Ito ay tumutukoy sa ponema, ang lahat ng letra ay may kaakibat na tunog para makabuo ng salita pag pinagsama-sama ang mga tunog ay makakabuo ng salita o wika
    Sinasalitang tunog
  • Ang mga salita ay pinagkasunduan ng mga taong gumagamit ng wika sa kapasyahang pagsang-ayon sa reperensya ng grupo
    Pinili at Isinaayos sa Paraang Arbitaryo
  • Ang wika ay kaluluwa ng isang bansa, ang pag-aaral ng wika ay pag-aaral ng kultura ng mga taong gumagamit ng wikang iyon
    Nakaugnay sa Kultura
  • Nakatutulong upang mas maging malikhain at upang hindi mahirapan sa pagsulat at pagsasalita sa paggamit ng "Lingua Franca"
    Paggamit ng dalawang wika / Ingles at Filipino
    Bilinggwalismo
  • BEP
    Bilingual Education Policy
  • MTB
    Mother Tongue Based
  • Ito ay tungkol sa kakayahan ng isang tao na makaunawa at makapagsalita ng iba't ibang wika
    • Paggamit ng tatlo o higit pang wika
    • Higit pa sa dalawang wika
    Multilinggwismo
  • Ano ang mga barayti ng wika
    1. Diyalekto
    2. Sosyolek
    3. Idyolek
    4. Pidgin
    5. Creole
  • Ito ay ang pagkakaiba iba ng mga salita depende sa paggamit nito at nahahati ito sa limang kategorya
    Register ng wika
    Mga Barayti ng Wika
  • Ito ay depende sa dimensyong heyograpikal. Ang wikang ginagamit ay nasa isang partikular na lugar. Malalaman na ang pagkakaiba ng mga wika dahil sa accent, istruktura, at tono nito.

    Diyalekto
  • Ito ay depende sa dimensyong sosyal. Nakadepende ito sa grupong kinabibilangan sa isang komunidad.

    Sosyolek
  • Ito ay pagkakaroon ng kakaibang paraan sa pagsasalita. Napapansin dito ang kwaliti ng boses ng nagsasalita.
    Idyolek
  • Bagong wika na nalilikha dahil ang taong nagsasalita ay walang karaniwang wika na magamit. Ito ay walang pormal na estruktura. Ang ganitong uri ay madalas na tinatawag ding "makeshift language"

    Pidgin
  • Ito'y nanggagaling mula sa pidgin na kalaunan ay nadebelop.
    Creole