Paksa 6 - Papel ng Wika sa Pagkatuto

Cards (14)

  • Lahat ng taong may kakayahang magsalita ay kusang natututo ng sariling wika.
  • Bawat bata ay natututong magsalita sa pamamagitan ng pakikinig at panggagaya sa mga taong nakapaligid sa kanya.
  • Mahalaga ang kasanayan sa pakikinig sa pagkatuto ng pagsasalita. Kaya sinumang tao ang isinilang na bingi ay tiyak na hindi makapagsasalita kahit na kumpleto at maayos ang mga sangkap ng bibig na gamit sa pagsasalita.
  • Sa panimula, karaniwan isa lamang wika ang natutuhan ng tao at ito ay ang kanyang unang wika.
  • Ang unang wika ay ang wikang kanyang kinamulatang sinasalita ng mga taong nasa kanyang paligid na kanyang napapakinggan at ginagaya.
  • Alinmang wikang natutuhan pagkatapos ng unang wika ay tinuturing na pangalawang wika ng isang tao.
  • Sa pamamagitan ng wika, nakikipag-ugnayan tayo sa ating kapaligiran na ginagamit ang ating mga kasanayan sa pakikinig, pagsasalita, pagbabasa, at pagsulat.
  • Wika ang pangunahing midyum ng komunikasyong pasalita at pasulat na siyang mahalagang daan tungo sa pagiging literado ng isang tao.
  • Wika rin ang nagsisilbing tulay ng kaunlarang pang-agham at panteknolohiya gayon din ng mga pamanang pangkultura.
  • Dumako tayo sa larangan ng edukasyon, na ang pangunahing sangkap ay ang wikang ginagamit bilang midyum ng pagtuturo at pagkatuto ng mga mag-aaral.
  • Sa Pilipinas pinaiiral pa rin hanggang ngayon ang Patakarang Bilinggwal sa lahat ng antas ng edukasyon elementarya, sekundarya, at tersyarya.
  • Patakarang Bilinggwal ito ay ang na paggamit ng Filipino at Ingles bilang wikang panturo sa mga tiyak na asignatura sa layuning masanay ang mga Pilipinong mag-aaral sa paggamit ng naturang dalawang wika.
  • Mula noong taong 1974, itinuro na sa ingles ang mga asignaturang English, Science and Health at Mathematics at sa Filipino naman Asal, Musika, Sining at Edukasyong Pangkatawan
  • Alalaong baga - sa madaling sabi