Samantala, pansinin ang salitang babae, bagamat may tatlo ring pantig na tulad ng mabait, ay binubuo lamang ng iisang morpema. Hindi na ito mahahati pa sa maliit na yunit o bahagi nang hindi masisira ang kahulugan. Hindi morpema ang mga sumusunod na maaaring makuha sa babae: be, e, baba, bae, bab, aba, abab, at ab. Maaaring maibigay tayong kahulugan sa baba at aba ngunit gaya ng naipaliwanag na, malayo na ang kahulugan ng mga ito sa babae.