Lit

Cards (34)

  • Pagsulat ay ang pagsasalin sa papel o sa anumang kasangkapang magamit na mapagsalinan ng mga nabuong salita, simbolo at ilustrasyon ng isang tao o ng mga tao.
  • Layunin ng pagsulat ay ang ipahayag at ipaalam ang damdamin, opinyon, saloobin at ideya ng isang tao sa isang isyu o usapin.
  • Ayon kay Bernales, ang pagsulat ay isang sistema ng komunikasyong interpersonal, na gumagamit ng mga simbolo at inuukit/isinusulat sa isang makinis na bagay tulad ng papel, tela, o di kaya'y isang malapad at makapal na tipak ng bato.
  • Ayon kay Keller, ang pagsulat ay isang biyaya, isang pangangailagan at isang kaligayahan ng nagsasagawa nito.
  • Ayon kay Mabilin, ang pagsusulat ay isang pagpapahayag ng kaalamang kailanman ay hindi maglalaho sa isipan ng mga bumabasa at babasa.
  • Ayon kay Xing at Jin, ang pagsulat ay isang komprehensibong kakayahan na naglalaman ng wastong gamit, talasalitaan, pagbubuo ng kaisipan, retorika, at iba pang mga elemento.
  • Propesyonal na Pagsulat ay isang uri ng pagsulat na nakatuon o eksklusib sa isang tiyak na prosesyon.
  • Malikhaing Pagsulat ay isang masining na uri ng pagsulat sa larangan ng panitikan o literatura.
  • Layunin ng Malikhaing Pagsulat ay ang ipahayag at ipaalam ang imahinasyon ng manunulat at pukawin ang damdamin ng mambabasa.
  • Kahalagahang Pang-ekonomiya ang taong ay sumusulat dahil kailangan para siya’y mabuhay, sa madaling salita ito nagiging kaniyang hanapbuhay.
  • Kahalagahang Pansosyal sumusulat ang taong dahil may namamagitang katahimikan o mga bagay na siyang nagpapalayo sa isang relaksyon.
  • Pamaraang Argumentatibo manghikayat o mangumbinsi sa mambabasa.
  • Pamaraang Deskriptibo maglarawan ng mga katangian, hugis ng mga bagay o pangyayari batay sa mga nakita, narinig at naranasan.
  • Kasanayang Pampag-iisip ito ang kakayahang mag-analisa o magsuri ng mga datos na mahalaga o di gaanong mahalaga.
  • Pamaraang Naratibo magkwento o magsalaysay ng mga pangyayari batay sa magkakaugnay at tiyak na pagkakasunod sunod.
  • Kaalagahan ng Pagsulat ayon kay Arrogante (2000), may apat na kahalagahan ang pagsulat.
  • Kasanayan sa Paghabi ng Buong Sulatin ito ang tumutukoy sa kakayahang mailatag nag mga kaisipan at impormasyon sa isang maayos, organisado, obhektibo at masining na paraan.
  • Kaalaman sa wastong pamamaraan ng pagsulat ito ang sapat na kaalaman sa wika at retorika, partikular sa wastong paggamit ng malaki at maliit na titik, wastong pagbaybay, paggamit ng bantas, pagbuo ng makabuluhang pangungusap, pagbuo ng talata at pagbuo ng masining at obhektibong paghabi ng mga kaisipan.
  • Kahalagahang Panterapyutika ang taong may kahinaan sa pagsasalita ay maaaring sumulat para mailabas ang kaniyang saloobin.
  • Dyornalistik na Pagsulat ay kadalasang ginagamit ng mga mamahayag o journalist.
  • Wika ay nagsisilbing behikulo upang maisatitik ang mga kaisipan, kaalaman, damdamin, karananasan, impormasyon at iba pang nais ilahad ng taong nais sumulat.
  • Pamaraan ng Pagsulat ay ang estilo kung paano mo ipapahayag ang iyong isinusulat.
  • Pamaraang Impormatibo ay magbigay ng impormasyon o magpabatid sa mambabasa.
  • Paksa ay nagsisilbing pangkalahatang iikutan ng mga ideyang dapat mapaloob sa akda.
  • Teknikal na Pagsulat ay uri ng tekstong ekspositori na nagbibigay ng impormasyon para sa teknikal o komersyal na layunin.
  • Layunin ay nagsisilbing gabay mo sa paghabi ng mga datos o nilalaman ng iyong sinusulat.
  • Reperensyal na Pagsulat ay naglalayong magrekomenda ng iba pang sangunian o source hinggil sa isang paksa.
  • Akademikong Pagsulat ay ang intelektwal na pagsulat dahil layunin nitong pataasin ang antas at kaliadad ng kaalaman ng mga estudyante sa paaralan.
  • Halimbawa ng Teknikal na Pagsulat: resume, liham, memorandum.
  • Pakikinig, Pagbabasa, Panoood, Pagsasalita, Pagsusulat ay mga gamit o pangangailangan sa pagsusulat.
  • Halimbawa ng Akademikong Pagsulat: kritikal na sanaysay, eksperimento, konseptong papel, term paper o pamanahong papel, thesis o deklarasyon.
  • Pamaraang Ekspresibo ay magbahani ng opinyon, paniniwala, ideya, obserbasyon at kaalaman na hinggil sa isang tiyak.
  • Halimbawa ng Dyornalistik na Pagsulat: balita, editorial, kolum, lathalain.
  • Halimbawa ng Reperensyal na Pagsulat: footnote, endnotes, bibliography.