Nagpapahayag ng mga saloobin at kaisipan sa di-tuwiran paraan.
Idyoma
Nasa anyong patula, may sukat, tugma, at talinghaga kaya kaiga- igayang pakinggan ang mga salawikain. Naglalaman ang mga ito ng mga paalaala at pilosopiya sa buhay.
Salawikain
Ito'y gumagamit ng mga talinghaga at may himig ng panunudyo. May payak itong kahulugan at nasasalamin dito ang kilos o gawi ng isang tao.
Kasabihan
Tulad ng mga salawikain, nagsisilbing tagapagpaalaala rin ang mga ito sa dapat ugaliin at maging asal ng kabataan.
Kawikaan
Ito ay karaniwang sangkap ng retorika o mabisang pagpapahayag.
Tayutay
Gumagamit ng mga salitang panghambing
Pagtutulad
Direktang paghahambing ngunit hindi gumagamit ng mga salitang naghahambing
Pagwawangis
Nagpapahayag ng sitwasyong labis sa katotohanan
Pagmamalabis
Mga pananalitang nangungutya sa tao o bagay
Pauyam
Inspirasyon sa pagsulat ng saliring tula:
Tao sa iyong paligid
Sariling Karanasan
Mga nababasa, napapanood, at napapakinggan
Isang uri ng panitikanna nasa anyong patula. Binubuo ng mga saknong at binubuo ang bawat saknong ng mga taludtod. Kaiba ito mga panitikang nasa anyong tuluyan.
Tula
Tumutukoy sa bilang ng pantig na matatagpuan sa bawat taludtod nito.
Sukat
Tumutukoy naman ang _ sa magkakatulad na tunog sa bawat taludtod.
Tugma
Mga tulang nagtataglay ng istriktong sukat at tugma
Tradisyonal
May sukat itong karaniwang lalabindalawahin pantig ngunit walang tugma.
Blangko berso
Tulang walang hinihinging sukat at tugma sa pagbuo.
Malayang taludturan
Tinatawag din itong tulang pasalaysay. Naglalarawan at
nagsasalaysay ito ng mga karanasan ng manunulat at ng pamayanang kaniyang kinabibilangan.
Tulang Naratibo
Uri ng tulang naratibo na tumatalakay sa pakikipagsapalaran ng pangunahing tauhan na karaniwang kinikilala bilang bayani ng isang bayan
Epiko
Pinalulutang ang kuwento ng pag-iibigan at pakikipagsapalaran ng magsing-irog; itinatampok ang kabayanihan at/o kapangyarihan ng mga hari, reyna, prinsipe, at prinsesa, binubuo ng lalabindalawahing pantig sa bawat taludtod.
Awit
Nagsasalaysay ng isang kasaysayan na nagbibigay ng mabuting-aral binubuo ng wawaluhing pantig sa bawat taludtod.
Korido
Mga tulang pinaniniwalaang nilikha ng ating mga ninuno bago pa man dumating ang mga mananakop.
Katutubong Tula
May apat na taludtod at pipituhing pantig; ay patungkol sa pagpapahalaga ng mga ninuno sa kabutihang-asal na mula sa pamayanan at may tema mula sa kalikasan
Tanaga
May apat na taludtod sa bawat saknong at may sukat na wawaluhing pantig; nagsilbing awit sa simbahan at pagluluksa noong pananakop ng mga Espanyol
Dalit
Binubuo ng tatlong taludtod na may pipituhing pantig at madalas inaawit sa kasal
Diona
Maiikling tula na nagpapahayag ng damdamin at may malalalim na ideya at kaisipan
Tulang liriko
Tulang pumupuri at dumadakila sa isang indibiduwal o isang bagay
Oda
Tumatalakay sa pamimighati at kamatayan, karaniwang binibigkas bilang pagpaparangal sa naging buhay ng yumao.
Elehiya
Katutubong tula ng mga Hapon na binubuo ng tatlong taludtod at may lima, pito, at limang (5-7-5) pantigan sa bawat taludtod
Haiku
Mga tulang itinatanghal sa entablado; karaniwang nasa anyo ng pangangatuwiran at pagpapalitan ng matatalinong ideya ng mga tauhan.
Tulang patnigan
Tagisan ng talino at pakikipagdebate gamit ang pagbigkas ng tula
Balagtasan
Akto sa pagtula na ang kuwento ay patungkol sa singsing ng isang dalaga na nahulog sa dagat.
Karagatan / Duplo
May pagkakahawid sa estruktura ng sanaysay o kuwento ngunit katulad ng tula ang ideya at salitaan nito
Tula sa anyong tuluyan / Tulang prosa
Kakikitaan ng malaya at malawak na damdamin ng manunulat; walang sukat at tugma; iniiwasan ang romantisismo; gumagamit din ito ng mga modernong salita gaya ng pinaghalong Tagalog at Ingles.
Tulang moderno
Ay isang uri ng akdang pampanitikan na naglalarawan ng isang kawili-wiling insidente sa buhay ng tao.
Anekdota
Ito ay maikling kuwento patungkol sa isang magandang karanasan na nag-iiwan ng aral o mensaheng may mabigat na impresyon sa mambabasa o tagapakinig.
Anekdota
Elemento ng Anekdota:
Abstrak
Oryentasyon
Tunggalian
Resolusyon
Koda
Ebalwasyon
Ito ay paunang pagpapakilala sa anekdota. Tumutukoy ito sa kabuuan o kontekstong nakapaloob sa pagsasalaysay ng kuwento.
Abstrak
Ito ay naglalarawan sa eksena ng kuwento at pagtukoy kung kailan ito naganap at kung sino ang mga tauhang sangkot dito.
Oryentasyon
Ito ang pangunahin at pinakamahalagang pangyayari sa kuwento na nakatatawag ng pansin at nagiging kawili-wiling basahin ang isang anekdota.
Tunggalian
Ito ang bahagi na naglalahad kung paano humantong sa wakas ang kuwento.