PAGGAWA

Subdecks (1)

Cards (26)

  • Mga Sekor ng Paggawa:
    Agrikultura, Industriya, Serbisyo
  • Ang sahod ay ang natatanggap na bayad ng mga manggagawa. Ito ay natatanggap pagkatapos magbigay ng serbisyo sa isang tao, grupo o kumpanya.
  • Ang mababang pasahod ay ang pagbibigay ng sahod sa mga manggagawa na hindi sapat bilang pantustos sa pang-araw-araw na pangangailangan ng isang tao
  • Mga Suliranin sa Hamon ng Paggawa:
    1. Mababang Pasahod
    2. Kontraktuwalisasyon
    3. Subcontracting
    4. Underemployment, Unemployment, Job Misfits
    5. Mura at Flexible Labor
  • Kontraktuwalisasyon -  Isang patakaran kung saan ang isang manggagawa ay nakatali sa kontrata na maaari siyang alisin o manatili sa kanyang trabaho ayon sa haba ng panahon na itinakda ng kanyang employer.
  • subcontracting ay tumutukoy sa kaayusan sa paggawa kung saan ang kompanya (principal) ay komukontrata ng isang ahensiya o indibidwal na subcontractor upang gawin ang isang trabaho o serbisyo sa isang takdang panahon.
  • Labor-only Contracting - ang subcontractor ay walang sapat na puhunan upang gawin ang trabaho o serbisyo at ang pinasok niyang manggagawa ay may direktang kinalaman sa mga gawain ng kompaya
  • Job Contracting - ang subcontrator ay may sapat na puhunan para maisagawa ang trabaho at mga gawain ng mga manggagawang ipinasok ng subcontractor. Wala silang direktang kinalaman sa mga gawain ng kompanya.  
  • Underemployment - Ito ay pagkakaroon ng trabaho na kaunti ang oras ng pagtatrabaho na nagtutulak sa isang tao upang humanap ng dagdag na kita o dagdag na trabaho.  
  • Unemployment - Ito ay tumutukoy sa sitwasyon kung saan ang mga manggagawa ay walang mapasukang trabaho kahit sila ay may sapat sa kakayahan at pinag- aralan
  • Job mismatch - Isa pang isyu sa paggawa na kinakaharap ng bansa ay ang paglaki ng bilang ng mga job mismatch dahil hindi nakakasabay ang mga college graduate sa kasanayan at kakayahan na kailangan ng mga kompanya sa bansa.
  • Mura at Flexible Labor -  Ito ay isang paraan ng mga kapitalista o namumuhunan upang palakihin ang kanilang kinikita at tinutubo sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mababang pagpapasahod at paglimita sa panahon ng paggawa ng mga manggagawa.  
  • (Employers Pillar) -Tiyakin ang paglikha ng mga sustenableng trabaho, malaya at pantay na oportunidad sa paggawa, at maayos na workplace para sa mga mangagawa.
  • Worker`s Rights Pillar -  Naglalayong palakasin at siguruhin ang paglikha ng mga batas para sa paggawa at matapat na pagpapatupad ng mga karapatan ng mga manggagawa. 
  • Social Protection Pillar - Hikayatin ang mga kompanya, pamahalaan, at mga sangkot sa paggawa na lumikha ng mga mekanismo para sa proteksyon ng manggagawa, katanggap-tanggap na pasahod, at oportunidad.
  • Social Dialogue Pillar - Palakasin ang laging bukas na pagpupulong sa pagitan ng pamahalaan, mga manggagawa, at kompanya sa pamamagitan ng paglikha ng mga collective bargaining unit.
  • Batas ng Pangulo Blg. 442 - Batas na nagtatakda ng Kodigo sa Paggawa  
  • Commonwealth Act Blg. 444 - Ang unang batas ukol sa walong oras ng paggawa
  • Batas Republika Blg. 1933 - Batas na nagtatadhana ng walong oras ng paggawa ng mga manggagawa