AP FOR QUIZ 2024

Cards (57)

  • Hen. Wesly Meritt -kauna-unahang gobernador-militar ng pamahalaang militar. sinundan ito ni Elwell Otis at Arthur McArthur.
  • itinatag ang pamahalaang militar noong Agosto 14 1898
  • Inutusan ni William McKinley na manungkulan si Wesly Meritt billang gobernador-militar.
  • 3 taon lamang ang itinagal ng pamahalaang militar.
  • nabuo ang pamahalaang sibil noong Hulyo 4 1901
  • Ang namuno sa pamahalaang sibil ay si William Howard Taft
  • ipinanukala ni Sen. John Spooner ang "susog spooner"
  • Ginawa ang pamahalaang sibil upang mabigyan ng pagkakataong makalahhok ang mga pilipino sa pamahalaan/.
  • Patakarang Pasipikasyon - may layuning supilin ang damdaming nasyonalismo ng mga pillipino
  • Batas sedisyon - ipinasa ito ng philippine commision noong Nobyembre 4 1901 na kung saan ipinagbabawal ang paglaban sa pamamahala ng mga Amerikano
  • batas sa rekonsentrasyon - layuning masukol ang mga gerilyang nagtatago sa liblib na pook o pamayanan
  • Batas sa Watawat - ipinagbabawal iwagayway ang bandilang Pilipino sa anumang pagkakataon o saan mang lugar sa bansa mula 1907 hanggang 1918
  • batas brigandage - ipinagbabwal ang pagsapi ng mga Pilipino sa mga pangkat na tahasang tumututol sa pananakop ng mga dayuhan
  • ipinatupad ang patakarang kooptasyon upang pumayag ang mga pilipino na manumpa ng katapatan sa mga Amerikano.
  • Batas Tydings-McDuffie - ang batas na ito ay akda nina Senador Milliard Tydings at Kongresista John Mcduffie para sa pagsasarili ng Pilipinas. ito ay nilagdan noong Marso 24 1934 ni pangulong Roosevelt. Noong Mayo 1 1934, tinanggap ito ng lehislatura ng Pilipinas.
  • Nagpasa ng resolusyon ang Asemblea ng Pilipinas niing Nobyembre 7 1918 para sa pagtatag ng isang komisyong pangkalayaan sa Estados Unidos ay inirikomenda ng komisyon
  • ang unang misyong pangkalayaan na binuo ng 40 na kasapi ay pinamunuan ni Manuel L. Quezon na umalis patungong Estados Unidos noong Pebrero 23 1919
  • Pangulong Woodrow Wilson ay sang-ayon sa inihain ng misyong ito ngunit tinutulan naman ito ng Kongresong Amerikano
  • pagkatapos ng unang misyon, nagpadala pa ng 12 misyon mula 1919 hanggang 1933
  • Misyong OS-ROX - isang kampanya na pinangunahan ni Sergio Osmena at Manuel Roxas upang makamit ang pagkilalang Estados Unidos ng kalayaan ng Pilipinas at pamumuno sa sarili ng Pilipinas
  • Batas Hare-Hawes Cutting - pinagtalunan sa Kongreso nang dumating ang misyon ang batas na ito bagama't may mga probisyon ito na hindi mabuti para sa Pilipinas.
    Naging bunga ito ng pagpapatibay sa nasabing batas noong 193.
  • Kumbensyong Konstitusyonal - Nooong Hulyo 4 1934, nagkaroon ng halalan sa pagkadelegado para sa paghahanda ng Saligang Batas.
    Ang nahalal na pangulo ng kumbensyon ay si Claro M. Recto.
  • Saligang Batas 1935 - pinagtibay ng mga Pilipino noong 1935.
    binuo ang Saligang batas upang magkaroon ng Malasariling pamahalaan na siyang hahalili sa Republika
  • Ang mga sumusunod ay ang ilan sa mga mahahalagang itinadhana ng Saligang Batas 1935;
    1.Ehekutibo, lehislatibo, at Hudisyal
    2. ang pangulo at ang Pangalawang Pangulo ang halal ng bayan na maglilingkod ng anim na tao
    3. Ang kapangyarihang lehislatibo ay nasa Asemblea na manunungkulan ng 3 taon.
    4. Sa Hudikatura naman ay nasa Kataas-Taasang hukuman at iba pang hukuman ang kapangyarihan.
  • Pamahalaang Komonwelt - upang ihanda ang bansa sa pagsasarili sa 1946, itinakda ang sampung taong panahon ng transisyon ng malasariling pamahalaan na tinatawag na pamahalaang komonwelt.
    Layunin ng pamahalaang ito na masubok ang kakayahan ng mga pilipino sa pangangasiwa ng sariling pamahalaan.
  • Nooong Nobyembre 17 1935, naganap ang pambansang halalan upang maghalal ang mga pilipino ng mga Bagong pinuno.
  • Manuel L Quezon - pinuno ng Komonwelt
  • ang komonwelt ay nahahati sa tatlong sangay, ang ehekutibo, lehislatibo, at hudisyal.
  • tinagurian si Manuel L. Quezon bilang "Ama ng Wikang Pambansa"
  • Abril 30 1937, sa ilalim ng Saligang Batas ng 1935, ang mga kababaihan ay pinagkalooban ng kapangyarihang bumoto.
    sinangayunan ng 447,745 kababaihan ang pagbibigay ng karapatan. Tanging 44,407 lamang ang hindi sumang-ayon sa panukalang ito.
  • Nagtatag ng libreng edukasyon para sa elementarya ang mga amerikano noong 1901 alinsunod sa Batas Bilang 74.
  • Ingles ang naging wika sa pagtuturo sa lahat ng paaralan sa bansa.
  • Thomasites - unang pangalan ng guro
  • Zoilo M. Galang - nakapagsulat ng unang nobela sa ingles.
  • Ika 7 ng disyembre 1941, pataksil nilang sinalakay ang Pearl Harbor, ang himpilang pandagat at panghimpapawid ng Amerika sa Hawaii na kung saan tinawag ang pangyayaring ito "Araw ng kataksilan"
  • inatasan ni Pangulong Franklin Roosevelt si McArthur na tumungo sa Australiangunit bago siya lumisan ay ipinahayag nya ang "Ako'y Magbabalik" [i shall return]
  • USAFFE - tawag sa mga sundalong Pilipino at Amerikano na nakipaglaban sa mga Hapones.
  • Hen. Edward P. King - naatasang mamuno sa pakikipaglaban sa Bataan.
  • Abril 9, 1942, ang kumander ng hukbong Hapon sa pamumuno ni Hen. Masaharu Homa ay sumalakay sa Bataan
  • Death March - ng bumagsak ang Bataan, ang mga sumukong sundalo ay pinalakad ng mga Hapones ng walang inuminat pagkain mula Bataan hanggang San Fernando, Pampanga.