Ang kultura ay naibabahagi, sapagkat ito ay nagbubuklod sa mga tao bilang isang pagkakakilanlan ng kanilang pangkat.
Isa sa mga katangian ng kultura ay naaadap, dahil ang kultura ay nag-aakomodeyt ng kapaligirang nagkokondisyon sa isang tao sa likas o teknolohikal na resorses.
Ang kultura ay dinamikongsistema kaya patuloy na nagbabago.
Ang tao ay isinilang at inalagaan ng mga magulang at kung paano siya inaalagaan, pinakakain, pinaliliguan, dinadamitan, atbp. Ito ay katangian ng kultura— natutuhan
Ang proseso ng kulturang natutuhang nagsimula sa pagkatuto sa kultura ng pamilyang kinabibilangan niya.
Acculturation – isang proseso ng pagkuha ng mga katangian ng ibang kultura at maging bahagi siya ng kulturang iyon.
Socialization – pangkalahatang proseso sa pagkilala sa mga sosyal at estandard na kultura.
Ang enculturation at socialization ang proseso na nagsisimula pa pagkaanak ng isang titser, kapitbahay, at iba pang tao sa lipunan na kanyang nakahalubilo.
Natututo ang tao kung paano mamuhay nang mabuti sa pamamagitan ng pag-obserba at pakisalamuha sa kultura at lipunang kanyang kinagisnan.