AGENDA

Cards (19)

  • Agenda - Talaan ng mga paksang tatalakayin ayon sa pagkakasunod-sunod sa isang pormal na pagpupulong
  • KAHALAGAHAN NG AGENDA
    • Nagbibigay impormasyon patungkol sa paksa, taong magtatalakay at oras na nakatakda sa bawat paksa
    • Nagbibigay ng kahandaan sa mga kasapi ng pulong ukol sa paksang tatalakayin
    • Nakatutulong upang maipokus lamang ang pulong sa mga paksang kailangan
  • Konsiderasyon sa pagdisenyo ng agenda (Swartz 2015)
    1. Saloobin ng mga kasamahan
    2. Paksang mahalaga sa buong grupo
    3. estrukturang patanong ng mga paksa
  • MGA HAKBANG SA PAGBUO NG AGENDA
    1. Alamin ang layunin ng pagpupulong
    2. Sulatin ang agenda 3 o higit pang araw bago ang pagpupulong
    3. Simulan sa mga simpleng detalye
    4. Magtalaga lamang ng hindi hihigit sa limang paksa para sa agenda
    5. Ilagay ang nakalaang oras para sa bawat paksa
    6. Isama ang ibang kakailanganing impormasyon para sa pulong
  • DAPAT ISAALANG-ALANG
    1. Magpadala ng memo
    2. Siguraduhing may tugon mula sa mga dadalo (lagda o tugon)
    3. Gumawa ng balangkas ng mga paksang talakayin at ipadala ito sa mga dadalo
  • KATITIKAN NG PULO
    • Paglalagom sa mahahalagang tinalakay na nakabatay sa agenda
  • KAHALAGAHAN
    1. Naipapaalam sa mga sangkot ang mga nangyari sa pulong
    2. Maaaring maging mahalagang dokumentong pangkasaysayan sa paglipas ng panahon
    3. Ito ay magiging hanguan o sanggunian sa mga susunod na pulong
  • MGA DAPAT TANDAAN SA PAGSULAT NG KATITIKAN
    1. Kailan ang pagpupulong?
    2. Sino-sino ang mga dumalo?
    3. Sino-sino ang mga hindi nakadalo
    4. Ano-ano ang mga paksang tinalakay
    5. Ano ang mga napagpasyaan
    6. ANo ang mga napagkasunduan
    7. Kanino nakatalaga ang mga tungkuling dapat matapos at kailan ito dapat isagawa
    8. Mayroon bang kasunod na kaugnay sa pulong? Kung mayroon, kailan, saan, at bakit kailangan
  • PORMAT NG KATITIKAN NG PULONG
    • walang sinusunod na pormat
  • PANUKALANG PROYEKTO
    • Detalyadong deskripsyon ng isang serye ng mga aktibidad na naglalayong magresoba ng isang tiyak na problema ( Nebiu, 2022)
    • Layunin nitong makatulong at makalikha ng positibong pagbabago sa isang komunidad at samahan
    • Kadalasang nasa anyong pasulat o oral na presentasyon
  • Panukalang proyekto
    • Solicited proposal at unsolicited proposal
  • Maikli at mahabang proyekto
    • Maikli - hanggang pababa
    • Mahaba - 10 hanggang pataas
  • MGA TAGUBILIN SA PAGSULAT NG PANUKALANG PROYEKTO
    1.  Magplano nang maagap.
    2. Gawin ang pagpaplano nang pangkatan.
    3. Maging realistiko sa gagawing panukala.
    4. Matuto bilang isang organisasyon.
    5. Maging makatotohanan at tiyak.
    6. Limitahan ang paggamit ng teknikal na jargon.
    7. Piliin ang pormat ng panukalang malinaw at madaling basahin.
    8. Alalahanin ang prayoridad ng hihingian ng suportang pinansyal.
    9. Gumamit ng salitang kilos.
  • MGA DAPAT GAWIN BAGO ANG PAGSULAT NG PANUKALANG PROYEKTO
    1.  Pag-interbyu sa dati at inaasahang tatanggap ng benepisyo
    2. Pagbabalik-tanaw sa mga naunang panukalang proyekto.
    3. Pagbabalik-tanaw sa mga ulat sa ebalwasyon ng mga proyekto
    4. Pag-organisa ng mga focus group.
    5. Pagtingin sa mga datos estadistika.
    6. Pagkonsulta sa mga eksperto.
    7. Pagsasagawa ng sarbey at iba pa.
    8. Pagsasagawa ng pulong at porum sa komunidad.
  • PAGSULAT NG PANUKALANG PROYEKTO AT ANG MGA ELEMENTO NITO
    1. Titulo ng panukalang proyekto
    2. Panimula
    3. Katawan
    4. Konklusyon
  • PAGSULAT NG PANUKALANG PROYEKTO AT ANG MGA ELEMENTO NITO
    • Titulo ng panukalang proyekto
    • Titulo ng proyekto
    • Pangalan ng nagpapanukalang organisasyon
    • Lugar at Petsa ng preparasyon
  • PAGSULAT NG PANUKALANG PROYEKTO AT ANG MGA ELEMENTO NITO
    • Panimula
    • Tinatalakay ang rasyonal ng panukalang proyekto.
  • PAGSULAT NG PANUKALANG PROYEKTO AT ANG MGA ELEMENTO NITO
    • Katawan
    • Pagtalakay sa mga kailangang gawin maging ang mungkahing badyet.
  • PAGSULAT NG PANUKALANG PROYEKTO AT ANG MGA ELEMENTO NITO
    • Konklusyon
    • Benepisyong maaaring maging dulot ng proyekto.