Aralin 1

Cards (23)

  • Ang kolonyalismo ay nagmula sa salitang colonus na ang ibig sabihin ay magsasaka.
  • Ang kolonyalismo ay ang pananakop ng isang makapangyarihang bansa sa isang mahinang bansa upang mapakanibangan ang likas na yaman nito.
  • Ang imperyalismo ay nagmula sa salitang imperium na ang ibig sabihin ay command.
  • Ang imperyalismo ay ang dominasyon ng isang makapangyarihang bansa sa aspektong pangpolitika, pangkabuhayan, at kultural ng pamumuhay ng mahina at maliit na bansa.
  • Ang hilagang ruta ay nagsimula sa Beijing at nagtatapos sa lungsod ng Constantinople.
  • Ang gitnang ruta ay matatagpuan sa baybayin ng Syria at dadaan sa golpo ng Perisia.
  • Ang timog ruta ay matatagpuan sa India hanggang makarating sa Ehipto.
  • Ang krusada ay ang layunin na mabawi ay Jerusalem, ang banal na lugar ng mga Kristiyano na nasakop ng mga Muslim.
  • Si Marco Polo ay isang Italyanong adbenturerong mangangalakal na taga Venice, Italy.
  • Nanirahan si Marco Polo sa Tsina sa panahon ni Emperador Kublai Khan ng dinastiyang Yuan ng halos 11 na taon.
  • Iniimbag ni Marco Polo ang aklat na "The Travels of Marco Polo" nang makabalik sa Italy noong 1295.
  • Ang Renaissance ay salitang Pranses na ang ibig sabihin ay "muling pagsilang".
  • Ang salitang Renaissance ay nagmula sa Italya noong 1350.
  • Ang Renaissance ay isang pilosopikal na makasining at binigyang-diin ang pagbabalik interes sa mga kaalamang klasikal sa Greece at Rome.
  • Ang Merkantilismo ay prinsipyong pang-ekonomiya na kung maraming ginto at pilak, may pagkakataong maging mayaman at makapangyarihan.
  • Ang Constantinople ay Asyanong teritoryo na pinakamalapit sa Europe.
  • Ang Constantinople ay ang nagsilbing rutang pangkalakalan mula Europe patungong India.
  • Napasakamay ng mga Turkong Muslim ang Constantinople noong 1453.
  • Ang Kolonya ay nangangahulugang direktang pagkontrol at pinamahalaan ng kaniyang sakop na bansa.
  • Ang Protectorate ay pagbibigay sa kolonya ng proteksyon laban sa pagsulob ng ibang bansa.
  • Ang Kasunduang Tordesillas ay ang paghati ni Papa Alexander VI sa mundo kung saan ang silangang bahagi ay pagmamayari ng Portugal at ang kanluran naman ay sa Spain.
  • Ang mga dahilan ng pananakop ay ang merkantilismo, pagbagsak ng constantinople, renaissance, krusada, at ang paglalakbay ni Marco Polo.
  • Ilan sa pamamaraan ng pagsakop ay ang kolonya, protectorate, pagpapalaganap ng relihiyon, kasunduan, at paggamit ng daungan sa pakikipagkalakalan.