4.4 Grupong may Natatanging Kultura

Cards (11)

  • Ang mga Rizalian sa lungsod ng Dapitan ay kilala sa pagiging magaling sa pagmamasahe at pagboboluntaryong pagtulong sa pagpapanatili ng kaayusan at kalinisan ng parke ng Rizal Shrine.
  • Ang mga Rizalian ay nakadamit ng puti kung kaya misteryoso sila sa mga mata ng mga taong bago pa lamang sila nakita.
  • Ang Gospel Ministry of Salvation ay isang puting palasyong bahay na makikita sa Barangay Pala-o, Iligan City sa Lanao del Norte sa Mindanao.
  • Si Dr. Salvacion Legaspi o kilala bilang "Majesty"; ang nagmamay-ari sa Kingdom Filipina Hacienda.
  • Ang terminong "ilaga" sa Visayas ay nangangahulugang daga sa Filipino, subalit, sa Mindanao, ang "llaga" na nagsisimula sa malaking titik ay mga militanteng grupong kristiyano na ang karamihan ay mga magsasaka sa simula na nakipaglaban sa mga Morong ektrimist o Islamist.
  • Ang mga Moncadista ay makikita sa gulpo ng Davao ang napakagandang isla ng Samal.
  • Noong panahon ng Komonwelt, bumuo si Hilario Moncado ng isang sektang panrelihiyon na tinatawag na Filipino Crusaders World Army (FCWA).
  • Moncadista ang tawag sa mga kasapi ng Filipino Crusaders World Army (FCWA) na sinusunod ang katuturan ng kanilang espiritwal na lider.
  • Noong 1965, itinatag ni Ruben Edera Ecleo Sr ang Philippine Benevolent Missionaries Association, Inc sa isla ng Dinagat sa Pilipinas.
  • Nang mamatay si Ecleo Sr noong 1987, humalili ang kaniyang anak na si Ruben B Ecleo Jr.
  • Ang Philippine Benevolent Missionaries Association ay narehistro sa Securities and Exchange Commission (SEC) sa Makati, Philippines noong Oktubre 19, 1965 sa ilalim ng Rehistrasyon bilang 28042.