Kautusang Walang Pasubali

Cards (16)

  • Mabuting Makataong Kilos - kung ginamit ang isip upang makabuo ng mabuting layunin at ang kilos loob upang isagawa ito sa mabuting pamamaraan.
  • Kautusang Walang Pasubali (Categorical Imperative) - pagkilos sa ngalan ng tungkulin. Ginagawa ng isang tao ang mabuti dahil ito ang nararapat at hindi dahil sa kasiyahan na gawin ito.
  • Immanuel Kant - "Gawin mo ang iyong tungkulin alang-alang sa tungkulin"
  • Immanuel Kant - isang Alemang pilosopo na naglayong ipakita ang tunay na batayan ng makataong kilos. ayon sa kaniya, anumang gawin na taliwas dito ay ituturing na masama. Binigyang diin ng pananaw na ito ang pagganap sa tungkulin, isang hamon sa nakararami na tugunan ito
  • Paninindigan - dapat kumilos ang tao na gawin itong pangkalahatang batas.
  • Paninindigan - ang dahilan ng pagkilos ng tao sa isang sitwasyon. Itinatakda nito ang kilos bilang isang tungkulin at mabuting dapat gawin.
  • Universability (Maisapangkalahatan) - katangian ng paninindigan kung saan maaari itong gawing pangkalahatan.
  • Universability (Maisapangkalahatan) - katangian ng paninindigan kung saan maaari itong gawing pangkalahatan.
  • Reversibility (Maaring gawin sa sarili ang gagawin sa iba) - katangian ng paninindigan kung saan maaari ding maging paninindgan ng iba kung nahaharap sa parehas na sitwasyon
  • Unang Pagtataya - anuman ang sitwasyon, kailangan mong bumuo ng isang paninindigan bilang tugon mo dito.
  • Pangkalahatang Paninindigan sa Unang Pagtataya - binibigyang diin ang mismong dahilan ng kilos kung magiging angkop ba ito sa lahat ng tao at sa mga kaparehong sitwasyon
  • Ikalawang Pagtataya - kung ang paninindigang ito ay naayon sa iba tulag ng paglapat mo sa iyong sarili. Nangangahulugan ito na mabuti ang paninindigan at ito'y isang tungkuling dapat gawin.
  • Ikalawang Pagtataya - binibigyang diin ang pagkilos ng tao. Inaasahang dapat nangingibabaw ang paggalang sa bawat isa, pagtrato ayon sa kanilang pagkatao bilang taong may dignidad, hindi lamang bilang isang kasangkapan kundi bilang isang layunin
  • Gintong Aral (Golden Rule) - "Huwag mong gawin sa iba ang ayaw mong gawin sa iyo" - Confucius
  • Hesu Kristo - "Kung ano ang ibig ninyong gawin sa inyo ng tao, gayun din ang gawin niyo sa kanila." - Lucas 6:31
  • Propeta Muhammad - "Wala ni isa man sa into ang tunay na mananampalataya hangga't hindi niya ninanais sa kaniyang kapatid ang nais niya para sa kaniyang sarili