Max Scheler - ang tao ay may kakayahang humusga kung mabuti o masama ang isang gawi o kilos ayon sa pagpapahalaga (values).
Pagpapahalaga - obheto ng ating intensiyonal na damdamin. Obheto to ng puso at hindi ng isip kaya't nauunawaan natin ang pagpapahala sa pamamagitan ng pagdama nito.
Pagpapahalaga - nagbibigay ng kabuluhan o kalidad sa buhay ng tao
Pagpapahalaga - hindi iniisip dahil bulag ang ating isip dito. Ngunit hindi ito nangangahulugan na hindi na natin mapag-iisipan ang mga bagay, gawi, at kilos na mahalaga sa atin
Max Scheler - "Nakasalalay sa pagpili ng pahahalagahan ang paghuhusga sa pagiging maburi o masama ng kilos ng tao"
Mabuting kilos - piniling gawin ang mas mataas na pagpapahalaga kaysa sa mababang pagpapahalaga o positibong pagpapahalaga kaysa sa negating pagpapahalaga.
Limang katangian ng mataas na pagpapahalaga ni Max Scheler:
Kakayahang tumagal at manatili (timelessness or ability to endure)
Mahirap o hindi mabawasan ang kalidad ng pagpapahalaga (indivisibility)
Lumilikha ng iba pang mga pagpapahalaga
Nagdudulot ng higit na malalim na kasiyahan o kaganapan(depth of satisfaction)
Malaya sa organismong dumaranas nito
Sto. Tomas de Aquino: 12 Yugto ng Makataong Kilos
Pagkaunawa sa Layunin
Nais ng Layunin
Paghuhusga sa nais makamtan
Intensiyon ng layunin
Masusing pagsusuri ng paraan
Paghuhusga sa paraan
Pratikal na paghuhusga sa pinili
Pagpili
Utos
Paggamit
Pangkaisipang kakayahan ng layunin
Bunga
1.Pagkaunawa sa layunin - pagkaunawa ng tao sa isang bagay na gusto o kaniyang ninanais, masama man ito o mabuti
2. Nais ng layunin - pagsang-ayon ng kilos-loob kung ang nais ng isang tao ay mabuti. Nag-iisip dapat ang tao kung ang ninanais ba ay naaakma o may posibilidad
3. Paghuhusga sa nais makamtan - hinuhusgahan ng isip ang posibilidad na maaring makuha o makamit ang ninanais
4. Intensiyon ng layunin - ang pagsang-ayon ng kilos-loob ay magiging isang intensiyon kaya nagkakaroon ang tao ng intensiyon na makuha ang bagay na kaniyang ninanais at kung paano ito makakamit
5. Masusing pagsusuri ng paraan - pinag-iisipan at sinusuri ng tao ang mga paraan upang makamit ang kaniyang layunin
6. Paghuhusga ng paraan - ang pagsang-ayon ng kilos-loob sa mga posibleng paraan upang makamit ang layunin
7. Praktikal na paghuhusga sa pinili - tinitimbang ng isip ang pinaka-angkop at pinakamabuting paraan
8. Pagpili - ang pagpili ng kilos-loob sa pamamaraan upang makamit ang layunin. Dito pumapasok ang malayang pagpapasiya
9. Utos - ang pagbibigay ng utos mula sa isip na isagawa kung ano man ang intensiyon
10. Paggamit - dito ginagamit na ang kilos-loob ang kaniyang kapangyarihan sa katawan at sa mga pakultad na taglay ng tao upang isagawa ang kilos
11. Pangkaisipang kakayahan ng layunin - pagsasagawa sa utos ng kilos-loob gamit ang kakayahan ng pisikal na katawan at pakultad na kakanyahan ng tao
12. Bunga - kaluguran ng kilos-loob sa pagtatapos ng kilos. Ito ang resulta ng ginawang pagpapasiya
Dahilan, Batayan at Pananagutan - taglay ng bawat kilos ng tao
Pagpapasiya - isang proseso kung saan malinaw na nakikilala o nakikita ng isang tao ang pagkakaiba iba ng mga bagay bagay
Fr. Neil Sevilla - isang pari sa parokya sa Bulacan na nagsabi na "Simula nang magkaroon ng isip ang tao hanggang sa kaniyang kamatayan, nagsasagawa siya ng araw-araw na pagpapasiya"
Panahon - kailangan tuwing nagsasagawa ng proseso ng pagpapaisya. Malaki ang maitutulong nito sapagkat mula rito ay mapagninilayan ang bawat panig ng isasagawang pagpili
Mga hakbang sa moral na pagpapasiya (LISTEN)
Magkalap ng patunay (Look for the facts)
Isaisip ang mga posibilidad (Imagine possibilities)
Maghanap ng ibang kaalaman (Seek insight beyond your own)
Tingnan ang kalooban (Turn Inward)
Umasa at magtiwala sa tulong ng Diyos (Expect and trust in god's help)