Tulang Liriko o Pandamdamin - Sa uring ito itinatampok ng makata ang kanyang sariling damdamin o saloobin.
Tulang Pasalaysay - Naglalahad ng mga tagpo o pangyayari sa pamamagitan ng mga taludtod.
Tulang Dula - Mga tulang isinasadula sa mga entablado o iba pang tanghalan.
Tulang Patnigan - Tulang sagutan na itinatanghal ng magkakatunggaling makata ngunit hindi sa paraang padula.
Haiku - Tatlong taludtod na may sukat na 5-7-5.
Tanka - Limang taludtod na may sukat na 5-7-5-7-7.
Diin - Ang bigat na pagbikas ng pantig na maaring makapag-iba sa kahulugan ng mga salita maging ang mga ito man ay magkapareho ng baybay.
Tono o Intonasyon - Tumutukoy sa pagtaas o pagbaba ng tinig sa pagbigkas ng pantig ng isang salita, parirala, o pangungusap upang higit na maging malinaw ang pagsasalita at nang magkaunawan ang nag-uusap.
Hinto o Antala - Tumutukoy sa saglit na pagtigil ng pagsasalita upang higit na maging malinaw ang mensaheng ipinahahayag.