BasPan Final (mamatai)

Cards (25)

  • Pananaliksik
    • itinuturing na isang sining dahil natutunan lamang ito kung ito’y iyong gagawin at isusulat
    • sistematikong paghahanap sa mga impormasyon hingil sa isang tiyak na paksa o suliranin
    • maingat na pagsusuri o pagsisiyasat sa isang suliranin o problema
    • sistematikong proseso ng pangangalap at pagsusuri ng mga datos
    • sistematiko at siyentipikong proseso ng pangangalap, pag-uuri, pag-organisa, paglalahad, pagsusuri at pagpapakahulugan ng datos para sa prediksyon, imbesyon at pagtuklas ng katotohan o kaya ay pagpapalawak ng umiiral na kaalaman
    • isang pangangalap ng impormasyon mula sa iba’t ibang hanguan sa pamamaraang impormatibo at obhektibo
  • Katangian ng Mananaliksik
    1. matapat
    2. maingat
    3. matiyaga
    4. maparaan
    5. responsable
  • Magandang Dulot ng Pananaliksik
    1. Nadagdagan o lumalawak ang kaisipan
    2. Lumalawak ang karanasan
    3. Nalinang ang tiwala sa sarili
  • Katangian ng Pananaliksik
    1. Sistematiko
    2. Kontrolado
    3. Empirikal
    4. Mapanuri
    5. Obhektibo, Lohikal, at Walang Pagkiling
    6. Kwantitatib o Istadistikal na Metodo
    7. Orihinal na Akda
  • Etika ng Pananaliksik
    1. Kailangan ang pagkilala sa pinagmulan ng pananaliksik.
    2. Boluntaryong partisipasyon ng mga kalahok.
    3. Pagiging kumpidensiyal at pagkukubli sa pagkakakilanlan ng kalahok.
    4. Pagbabalik at paggamit sa resulta ng pananaliksik.
  • Plagiarism
    • tahasang paggamit at pangongopya ng mga salita at ideya ng walang kaukulang pagbanggit o pagkilala sa pinagmulan nito
    1. Minimalistic Plagiarism- ang mga ideya o konsepto na nakuha o nabasa nila mula sa kanilang sources ay kanilang ginamit pero sarili nilang salita o paraphrasing
    2. Full Plagiarism- parehong pareho mula sa pinagkunan
    3. Partial Plagiarism- may dalawa o mahigit pang pinagkunan at kombinasyon ng mga ito ang kinalabasan ng ginawa
    4. Source Citation- maaring binigay ang pangalan ng may-akda o pinagkunan pero hindi na madaling mahanap dahil kulang o hindi sapat ang impormasyon na binigay
    5. Self-plagiarism- inilathala ang isang material na nalathala na pero sa ibang medium
    6. Intellectual Property Law- uri ng batas kung saan ang mga imbentor, mga manunulat,artist atbp., ay binibigyan ng ‘exclusive property rights’ o sila ang kinikilalang nagmamay-ari ng kanilang ginawa
  • Hakbang sa Pagsulat ng Papel Pananaliksik
    1. Pagpili ng paksa
    2. Pagkalap ng impormasyon
    3. Pagbuo ng tesis na pahayag
    4. Pagbuo ng balangkas
    5. Pag-aayos ng mga tala
    6. Pagsulat ng burador
    7. Pagresiba
    8. Pagsulat ng pinal na papel
  • Pagpili ng Paksa
    • nangangailangan ng malalim na pagsusuri
    1. Interes at kakayahan
    2. Pagkakaroon ng mga material na magagamit na sanggunian
    3. Kabuluhan ng paksa
    4. Limitasyon ng panahon
    5. Kakayahang pinansyal
    6. Panahon
    7. Uri o kategorya
    8. Edad
    9. Kasarian
    10. Lugar o espasyo
    11. Pangkat o sector na kinasasangkutan
    12. Perspektiba o pananaw
  • Pagkalap ng Impormasyon
    • kadalasang isinasagawa matapos ang konseptong papel, sumailalim sa depensa, at rebisyon ayon sa kinalabasan ng depensa
  • Silid-aklatan
    • unang dapat puntahan upang mangalap ng impormasyon
    Card Catalog
    • talaan ng lahat ng sangguniang matatagpuan sa isang silid- aklatan
    1. Katalogo ng mga Awtor
    2. Katalogo ng mga Pamagat
    3. Katalogo ng mga Paksa
    Online Public Access Catalog
    • pinakamodernong paraan ng paghahanap ng mga sanggunian sa silid-aklatan
  • Internet
    • pinakapraktikal na paraan ng pagkalap ng datos lalo na sa makabagong panahon ng teknolohiya
  • Panayam
    • kumalap ng impormasyon mula sa isang tao o pangkat na itinuturing na awtoridad o nakaalam tungkol sa paksang nais talakayin
    1. Impormal na Panayam- walang nakahandang katanungan para sa kakapanayamin
    2. Panayam na may Gabay- gumagamit ng mga gabay na tanong upang masiguro na makakalap ang lahat ng impormasyong kailangan
    3. Bukas/Malayang Panayam- malaya ang daloy ng panayam
    4. Panayam Batay sa mga Inihandang Tanong at Sagot na Pagpipilian- kung may direktang partisipasyon sa buong proseso ang mananaliksik, nakikita siya ng taong inoobserbahan bilang isang tagamasid. Samantala, kung walang partisipasyon ay nakadistansiya ang mananaliksik o kaya naman ay hindi alam ng taong inoobserbahan na siya ay inoobserbahan
  • Sarbey at Talatanungan
    • isang paraan upang makuha, masuri, at mabigyang-kahulugan ang pananaw ng mga taong pinag-aralan o inoobserbahan
    1. Malayang tugon- malayang naipahayag ng mga taong pnag-aaralan ang kanilang opinion
    • Walang takdang bilang
    • Walang takdang tugon
    1. May Pagpipilian ng Tugon-tinatanong ay walang ibang pagpipilian maliban sa mga nakahaing sagot sa talatanungan
    • Dichotomous Question
    • Multiple Choice
  • Mga Uri ng Datos
    1. Kalidad o Qualitative data- nagsasalaysay o naglalarawan o pareho ang layunin
    2. Kailanan o Quantitative data- nangangailangan ng datos na numerika na ginagamitan ng istadistika
  • Dalawang uri ng nagbabagong element ng Pananaliksik
    1. Nakapag-iisa- kinokontrol upang makita kung paano ito makaaapekto sa iba pang elemento ng pananaliksik
    2. Di nakapag-iisa- tumatanggap ng pagbabago bilang bunga ng pagkontrol sa elementong nakapag-iisa
  • Pahayag Tesis
    • naglalahad ng sentral na ideya ng sulating pananaliksik
  • Balangkas
    • kalansay ng mga ideya na pinagbabatayan ng aktuwal na proyektong gagawin
    1. Paksa/Papaksang Balangkas- binubuo ng mga parirala o salita na siyang punong kaisipan
    2. Pangungusap na Balangkas- binubuo ng mahahalagang pangungusap na siyang kumakatawan sa mahalagang bahagi ng sulatin
    3. Patalatang Balangkas- binibigyang-diin ay ang pagkakaugnay
  • Uri ng Tala
    1. Direktang Sipi- nangangahulugan ng paggamit ng orihinal na teksto
    2. Sinopsis- inilalagom sa buod ang mahalagang punto ng teksto at ilang suportang detalye
    3. Presi- maingat na pag-unawa nga tekstong binasa
    4. Parapreys- ipinaliliwanag dito ang mahirap na bahagi ng teksto
    5. Abstrak- lagom na pinal na papel
    6. Pagsasalin sa Filipino sa mga Sipi- isalin sa Filipino
  • Konseptong Papel
    • plano na nagpapakita kung anoma’t saang direksiyon patungo ang paksang nais pagtuunan
    1. Pahinang Nagpapakita ng Paksa- pamagat ng konseptong papel ay kailangang ganap na naglalarawan ng pinakabuod ng manuskrito
    2. Kahalagan ng Gagawing Pananaliksik- paglalahad ng suliranin bilang pagpapakilala sa proyektong nais simulan
    3. Layunin- inilahad ang nais makamit sa pamamagitan ng pananaliksik
  • Bibliograpiya
    • organisadong listahan ng mga sangguniang ginamit sa pagbubuo ng isang sulatin
    1. American Psychological Association- porma sa pagsulat na ginagamit sa larangan ng sikolohiya at iba pang disiplinang pang-agham panlipunan
    2. Modern Language Association- madalas ginagamit sa larangan ng humanidades upang mapadali ang paghahanap ng mga sanggunian
  • Kabanata 1
    • suliranin at sanligan nito
    • Panimula
    • Sanligan ng Pag-aaral
    • Balangkas Teoretikal
    • Balangkas Konseptwal at Dayagram
    • Paglalahad ng Suliranin
    • Kahalagahan ng Pag-aaral
    • Saklaw at Delimitasyon
    • Pagpapakahulugan ng Terminoholiya
  • Kabanata 2
    • Kaugnayan na Literatura at Pag-aaral
    1. Kaugnayan na Babasahin
    2. Kaugnay na Literatura
    3. Kaugnay na Pag-aaral
    Sintesis
    • nagsasaad ng pagkakatulad o pagkakapareho ng kasalukuyang pag-aaral sa mga nauna na
  • Kabanata 3
    • pamamaraan nga pananaliksik
    • Disenyo ng Pag-aaral
    • Pamamaraan ng Pananaliksik
    • Lugar ng Pag-aaral
    • Tagatugon ng Pag-aaral
    • Instrumentong Ginamit
    • Paraan sa Paglikom ng Datos
  • Kabanata 5
    • lagom
    • kongklusyon
    • rekomendasyon
  • Kabanata 4
    • paglahad at pagsusuri ng datos
    • pinakamahirap gawin