Ang tekstong persuweysib ag naglalayong makapangumbinsi o manghikayat sa tagapakinig
Paggamit ng kredibilidad o imahe para makapaghikayat
Paggamit ng emosyon ng mambabasa
Paggamit ng lohika at impormasyon
Mga kailangan isaalang-alang sa pagsulat ng tekstong persweysiv
Ang name calling ay ang pagbibigay ng hindi magandang taguri sa isang produkto upang hindi tangkilikin
Ang testimonial appeal ay ang pagtatanggol ng isang produkto o usaping kinakausap ng isang taong may malaki na reputasyon
Ang Gliterring Generalities ay ang magaganda at nakasisilaw na pahayag ukol sa isang produktong tumutugon sa mga paniniwala at pagpapahalaga ng mambabasa.
Ang Transfer ay ang paggamit ng isang sikat na personalidad upang mailipat sa isang produkto o tao ang kasikatan.
Ang Testimonial ay naisasakatuparan kapag ang isang sikat na tao ay tuwirang nag-endorso ng isang tao o produkto sa pamamagitan ng mgaebidensya at sariling testimonya.
Ang bandwagon ay hinihimok ang lahat na gamitin ang isang produkto o sumali sa isang pangkat o makisabay sa kung ano ang patok dahil lahat ay sumali na.
TEKSTONG NARATIV ay isang uri ng teksto na nagsasalaysay o nagkukuwento ng isang karanasan, nasaksihan, napakinggan, nabasa o likhang-isip ayon sa pagkasunud-sunod.
Sa simula nakasalalay ang kawilihan ng mga mambabasa kung dapat bang ipagpatuloy ang pagbabasa ng kuwento o hindi.
Sa tunggalian nakikita ang suliranin sa kuwento kung sino ang mga bida at kontrabida, at kung ano ang problemang dapat bigyan ng solusyon.
Sa kasukdulan unti-unting nabibigyan ng solusyon ang sulirain kung magtatagumpay ba ang pangunahing tauhan o hindi
Sa kakalasan bumababa ang takbo ng kuwento. Ito ay nagbibigay daan sa wakas.
Sa wakas nakasaad ang panghuling mensahe ng kuwento, lantad man o tago
Ang Tekstong Informativ ay naglalahad ng mga bagong kaalaman, bagong pangyayari bagong paniniwala at mga bagong impormasyon
Ang mga kaalaman ay nakaayos ng sekwensyal at inilalahad ng buong linaw at kaisahan; kaugnayan at kagamitan
Ang sanaysay ay isang maikling sulating naglalaman ng mga ideyang may tiyak na direksyon at maaring isulat sa paraang pormal at impormal.
Ang sanaysay ay kalimitang naglalaman ng personal na kuru-kuro ng may-akda
Ang proseso ay nagpapaliwanag kung papaano maisasagawa ang simpleng trabaho o bagay sa pamamagitan ng mga hakbang
Ang surimbasa o rebyu ay isang maingat na komentaryo sa isang akdang nabasa, napanood o napakinggan
Naglalaman ito ng opinyon na may katapat na paliwanag na nakabase sa akda
Ang editoryal ay nagbibigay ng laya sa manunulat nagamitin ang unang panauhan ng panghalip
Ang pormal na sanaysay ay may layuning magpaliwanag, manghikayat, at magturo tungo sa pangkaunlarang-isip at moral ng mga mambabasa
Ang Impormal na sanysaysay ay isa pang uri ng sanaysay na karaniwang nakikita bilang mas personal at Karaniwan itong nailalarawan sa pamamagitan ng personal na damdamin na hindi lohikal na naayos
Ang tatlong bahagi ng sanaysay ay simula, gitna, at wakas
Sa bahagi ng surimbasa, ang PANIMULA ay naglalaman ng uri ng panitikang ginamit sa akda
Sa bahagi ng surimbasa, ang PAGSUSURING PANGNILALAMAN ay ang bahagi kung saan makikita ang tema o paksa ng akda
Sa bahagi ng surimbasa, ang PAGSUSURING PANGKAISIPAN aynapapaloob ang mga kaisipan o ideyang taglay ng akda
Sa bahagi ng surimbasa, ang BUOD ay ang huling bahagi kung saan idinidiin ang mahahalagang punto
Ang balita o ulat ay tekstong nagbibigay ng detalyadong paliwanag tungkol sa mga bagay na kagaganap pa lamang
Ang TEKSTONG DESKRIPTIV ay nagtataglay ng impormasyong may kinalaman sa pisikal na katangian ng isang tao, lugar, o bagay gamit ang limang pandama
Ang Karaniwan at Malikhain/Masining ay uri ng tekstong deskriptiv ayon sa layunin
Ang KARANIWAN ay Naglalayong maibigay ang karaniwang ayos at anyo ng inilalarawan ayon sa limang pandama; panlasa, pandinig, paningin, panalat at pang-amoy
Ang MALIKHAIN O MASINING ay naglalayong mapagalaw ang guniguni ng mambabasa upang makita ang larawan ayon sa pandama, damdamin at isipan ng naglalarawan.
Ang BATAY SA PANDAMA ay isa sa mga paraan ng paglalarawan kung saan nakikita, naamoy, nalalasahan, nahahawakan, at naririnig
Ang BATAY SA NARARAMDAMAN ay isa sa mga paraan ng paglalarawan kung saan naglalaman ito ng damdamin o personal na saloobin ng naglalarawan
Ang BATAY SA OBSERBASYON ay isa sa mga paraan ng paglalarawan na nakabatay sa obserbasyon ng mga nangyari