Ang Kongreso ay gawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang Wikang Pambansa na batay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika. (Seksyon 3, Artikulo 14)
October 27 1936
Itinagubilin ng Pangulong Manuel L. Quezon sa kanyang mensahe sa Asemblea Nasyonal ang paglikha ng isang Surian ng Wikang Pambansa
November 13 1936
Pinagtibay ang Batasang Pambansa ang Batas Komonwelt Blg. 184 na lumilikha ng isang Surian ng Wikang Pambansa at itinatakda ang mga kapangyarihan at tungkulin niyon.
Enero 12 1937
Hinirang ng Pangulong Manuel L. Quezon ang mga kagawad na bubuo ng Surian ng Wikang Pambansa alinsunod sa tadhana ng Seksyon 1, Batas Komonwelt Blg. 184, sa pagkakasusog ng Batas Komonwelt Blg. 333.
November 9 1937
Ang Surian ng Wikang Pambansa ay nagpatibay ng isang resolusyon na roo'y ipinahahayag na ang Tagalog ay "siyang halos lubos na nakatutugon sa mga hinihingi ng Batas ng Komonwelt Blg. 184
December 30 1937
Sa pamamagitan ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 ay ipinahayag ng Pangulong Quezon ang Wikang Pambansa ng Pilipinas na batay sa Tagalog.
June181937
Pinagtibay ang Batas Komonwelt Blg. 333, na nagsususog sa ilang seksyon ng Batas Komonwelt Blg. 184
Abril 1 1940
Kautusang Tagapagpaganap Blg. 263 ay binigyang pahintulot ang pagpapalimbag ng isang Diksyunaryo at Isang Gramatika ng Wikang Pambansa.
June 19, 1940
Pasisimulan nang ituro ang Wikang Pambansa ng Pilipinas sa lahat ng paaralang-bayan at pribado sa buong bansa.
Abril 12 1940
Pinalabas ng Kalihim Jorge Bocobo ng Panturong Pambayan ang isang Kautusang Pangkagawaran: Ito'y sinundan ng isang sirkular (Blg. 26, serye 1940) ng Patnugot ng Edukasyon Celedonio Salvador. Ang pagtuturo ng Wikang Pambansa ay sinimulan muna sa mataas at paaralang normal.
June 7 1940
Batas Komonwelt Blg. 570 - ang pambansang wika ay magiging isa na sa mga Wikang opisyal ng Pilipinas simula Hulyo 4, 1940
Marso 26 1954
Nilagdaan ng Pangulong Ramon Magsaysay ang Proklama Blg. 12 na nagpapahayag ng pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa simula Marso 29 hanggang Abril4 taun-taon, sang-ayon sa tagubilin ng Surian ng Wikang Pambansa.
Abril2 - Araw ni Balagtas
September 23 1955
Nilagdaan ng Pangulong Ramon Magsaysay ang Proklama Blg. 12 serye ng 1954, na sa pamamagitan nito'y inililipat ang panahon ng pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa taun-taon simula sa ika-13 hanggang ika-19 ng Agosto.