Ang replektibong sanaysay o repleksyong papel (tinatawag ding Reflective Paper o Contemplative Paper) ay isang pasulat na presentasyon ng kritikal na repleksyon o pagbabalik-tanaw tungkol sa isang tiyak na paksa (Bernales et al, 2017).
Bilang manunulat at indibidwal, may mga pagkakataong nais mo na lamang itago sa iyong kalooban ang ilang mga personal na salaysay at hindi na paabutin ang mga ito sa iyong panulat (UniversityofReading).
Sa mga ganitong pagkakataon, kinakailangan ang tibay ng kalooban, maging matalino sa pagpili ng mga salita, at piliing maging obhetibo sa pagsasalaysay.
Maaari mong isama ang personalnakaranasan ngunit huwag umasa sa mga ito, dapat naibatay ang iyong mga reaksyon at repleksyon sa materyal na kung saan ay ang iyong paksa.