Panukalang proyekto

Cards (24)

  • Tayo ay nakikiisa at nakikipagtulungan sa mga programang inilulunsad ng barangay council katulad ng feeding program, clean up drive at iba pa.
  • Bukod sa mga nabanggit na gawain ay maaari ka ring makapaglunsad o makapagsagawa ng isang makabuluhang proyekto sa iyong paaralan o pamayanan.
  • Magiging posible ito kung makikipag-ugnayan ka sa mga kinauukulan at malaking tulong dito ang pagsulat ng isang maayos na panukalang proyekto.
  • Ang panukalang proyekto ay isang kasulatan ng mungkahing naglalaman ng mga plano ng gawaing ihaharap sa tao o samahang pag-uukulan nito na siyang tatanggap at magpapatibay nito.
  • Dapat na maging maingat sa pagsulat ng panukalang proyekto.
  • Nangangailangan ito ng kaalaman, kasanayan at katapatan.
  • Kailangan itong magbigay ng sapat at tapat na impormasyon at makahikayat sa positibong pagtugon mula sa pinag-uukulan nito.
  • Isipin na ang pangunang layunin nito ay makatulong at makalikha ng mga gawaing kapaki-pakinabang para sa lahat.
  • Mga Bahagi ng Panukalang Proyekto: Panimula, Katawan, Katawan, Panimula ng Panukalang Proyekto.
  • Plano ng Dapat Gawin ay ang talaan ng mga gawain na naglalaman ng mga hakbang na isasagawa upang malutas ang suliranin.
  • Paglalahad ng Benepisyo ng Proyekto at mga Makikinabang Nito ay matapos na maisulat ang panimula at katawan ng panukalang proyekto, gawin ang huling bahagi nito- ang katapusan o kongklusyon.
  • Nagpadala ay ang tungkol sa kung paano mapakikinabangan ng pamayanan o samahan ang proyekto.
  • Immediate ay ang tiyak na petsa kung kailan ito matatapos.
  • Logical ay nagsasaad ng paraan kung paano makakamit ang proyekto.
  • Petsa ay makikita rito kung kailan ipinasa ang panukalang papel at haba ng pagsasagawa ng proyekto.
  • Ang panukalang proyekto ay binubuo ng layunin, plano ng dapat gawin at badyet.
  • Pagpapahayag ng Suliranin ay ang pangangailangang nais tugunan ng proyekto at kahalagahan nito.
  • Layunin ay ang nilalayong gawin ng panukala.
  • Practical ay nagsasaad ng solusyon sa binanggit na suliranin.
  • Layunin ay ang mga bagay na nais matamo ng panukala.
  • Plano ng Dapat Gawin ay ang listahan ng pagkakasunod-sunod ng mga gawain, ang petsa at bilang ng araw ng pagsasagawa ng mga naitalang gawain.
  • Evaluable ay nasusukat kung paano makatutulong ang proyekto.
  • Badyet ay ang kalkulasyon ng mga gagastusin sa pagsasagawa ng proyekto.
  • Paano Mapakikinabangan ng Pamayanan/Samahan ang Panukalang Proyekto ay ang kongklusyon ng panukala kung saan tinukoy ang mga taong makikinabang ng proyekto at mga dahilan kung bakit nararapat na ito ay aprubahan.