Pagbasa at Pagsusuri

Cards (36)

  • Huwag kang magbasa, gaya ng mga bata, upang libangin ang sarili, o gaya ng mga matatayog ang pangarap, upang matuto. Magbasa upang mabuhay.
  • Winika ni Gustave Flauvert, isang manunulat na Prances na siyang nagpaunlad ng realismong pampanitikan sa Pransya at sumikat sa kanyang akda na Madame Bovary (1857).
  • Pagbasa
    Ang pagkilala at pagkuha ng mga ideya at kaisipan sa mga sagisag na nakalimbag upang mabigkas nang pasalita
  • Proseso ng Pagbasa
    1. Persepsyon
    2. Komprehensyon
    3. Reaksiyon
    4. Asimilasyon
  • Scanning
    Mabilisang pagbasa ng isang teksto na ang pokus ay hanapin ang ispesipikong impormasyon ang itinatakda bago bumasa
  • Skimming
    Mabilisang pagbasa na ang layunin ay alamin ang kahulugan ng kabuuang teksto, kung paano inorganisa ang mga ideya o kabuuang diskurso ng teksto at kung ano ang pananaw at layunin ng manunulat
  • Mga Pananaw o Teorya sa Pagbasa
    • Teoryang Bottom-Up
    • Teoryang Top-Down
    • Teoryang Interaktib
    • Teoryang Iskima
  • Antas ng Pagbasa
    • Primaryang antas
    • Mapagsiyasat na antas
    • Analitikal na antas
    • Sintopikal na antas
  • Primaryang Antas
    Pinakamababang antas ng pagbasa at pantulong upang makamit ang literasi sa pagbasa. Ang mga kakayahan sa pagbasa sa antas na ito ay kinapapalooban lamang ng pagtukoy sa tiyak na datos at ispesipikong impormasyon gaya ng petsa, setting, lugar, o mga tauhan sa teksto.
  • Mapagsiyasat na Antas
    Nauunawaan na ng mambabasa ang kabuuang teksto at nakapagbibigay ng mga hinuha o impresyon tungkol dito. Nakapagbibigay ng mabilisan ngunit makabuluhang paunang rebyu sa isang teksto ang mambabasa upang matukoy kung kakailanganin niya ito at kung maaari itong basahin nang mas malaliman.
  • Analitikal na Antas
    Ginagamit ang mapanuri o kritikal na pag-iisip upang malalimang maunawaan ang kahulugan at layunin ng teksto, ang mga argumento at ebidensya na ginamit ng may-akda, at ang mga implikasyon nito.
  • antas
    hangga't hindi pinagdadaanan ang nauna o mas mababang antas
  • Primarya
    Pinakamababang antas ng pagbasa at pantulong upang makamit ang literasi sa pagbasa. Ang mga kakayahan sa pagbasa sa antas na ito ay kinapapalooban lamang ng pagtukoy sa tiyak na datos at ispesipikong impormasyon gaya ng petsa, setting, lugar, o mga tauhan sa teksto.
  • Mapagsiyasat
    Nauunawaan na ng mambabasa ang kabuuang teksto at nakapagbibigay ng mga hinuha o impresyon tungkol dito. Nakapagbibigay ng mabilisan ngunit makabuluhang paunang rebyu sa isang teksto ang mambabasa upang matukoy kung kakailanganin niya ito at kung maaari itong basahin nang mas malaliman. Maaaring gamitin ang skimming sa antas na ito.
  • Analitikal
    Ginagamit ang mapanuri o kritikal na pag-iisip upang malalimang maunawaan ang kahulugan ng teksto at ang layunin o pananaw ng manunulat. Bahagi ng antas na ito ang pagtatasa sa katumpakan, kaangkupan, at kung katotohanan o opinyon ang nilalaman ng teksto.
  • Sintopikal
    Uri ng pagsusuri na kinapapalooban ng paghahambing sa iba't ibang teksto at akda na kadalasang magkakaugnay.
  • Analitikal na pagbasa
    Mapagsiyasat na pagbasa
  • Mga hakbang tungo sa sintopikal na pagbasa
    1. Pagsisiyasat
    2. Asimilasyon
    3. Mga Tanong
    4. Mga Isyu
    5. Kumbersasyon
  • Higit pa sa komprehensiyon o pag-unawa sa teksto, kinakailangan maging mapanuri at kritikal sa anomang uri ng pagbasa.
  • Mga bahagi ng mga kasanayan sa mapanuring pagbasa
    • Bago Magbasa
    • Habang Nagbabasa
    • Pagkatapos Magbasa
  • Bago Magbasa
    1. Pagsisiyasat ng tekstong babasahin
    2. Pagsusuri ng panlabas na katangian ng teksto
    3. Prereviewing o surveying ng isang teksto
    4. Pag-uugnay ng inisyal na pagsisiyasat sa imbak at kaligirang kaalaman
    5. Pagbubuo ng mga tanong at matalinong prediksyon
  • Habang Nagbabasa
    1. Pagtatansya sa bilis ng pagbasa
    2. Biswalisasyon ng binabasa
    3. Pagbuo ng koneksiyon
    4. Paghihinuha
    5. Pagsubaybay sa komprehensiyon
    6. Muling pagbasa
    7. Pagkuha ng kahulugan mula sa konteksto
  • Elaborasyon
    Pagpapalawak at pagdaragdag ng bagong ideya sa impormasyong natutuhan mula sa teksto
  • Organisasyon
    Pagbuo ng koneksiyon sa pagitan ng iba't ibang bahagi ng impormasyon na nakuha sa teksto
  • Pagbuo ng biswal na imahen
    Paglikha ng mga imahen at larawan sa isipan ng mambabasa habang nagbabasa
  • Pagkatapos Magbasa
    1. Pagtatasa ng Komprehensiyon
    2. Pagbubuod
    3. Pagbuo ng sintesis
    4. Ebalwasyon
    5. Pagkilala sa Opinyon o Katotohanan
  • Pagkatapos Magbasa
    1. Pagtatasa ng Komprehensiyon
    2. Pagbubuod
    3. Pagbuo ng sintesis
    4. Ebalwasyon
  • Katotohanan
    Mga pahayag na maaaring mapatunayan o mapasubalian sa pamamagitan ng empirikal na karanasan, pananaliksik, o pangkalahatang kaalaman o impormasyon
  • Opinyon
    Mga pahayag na nagpapakita ng preperensiya o ideya batay sa personal na paniniwala at iniisip ng isang tao
  • Mahalagang sa umpisa pa lang ng pagbasa ng teksto at habang napapalalim ang pag-unawa rito ay matukoy ang layunin, pananaw, at damdamin ng teksto upang maging epektibo ang pag-unawa rito
  • Layunin
    Tumutukoy sa nais iparating at motibo ng manunulat sa teksto
  • Pananaw
    Pagtukoy kung ano ang preperensiya ng manunulat sa teksto
  • Damdamin
    Ang nagpapahiwatig na pakiramdam ng manunulat sa teksto
  • Paraphrase
    Tumutukoy sa muling pagpapahayag ng ideya ng may-akda sa ibang pamamaraan at pananalita upang padaliin at palinawin ito para sa mambabasa
  • Abstrak
    Isang buod ng pananaliksik, tesis, o kaya ay tala ng isang komperensiya o anomang pag-aaral sa isang tiyak na disiplina o larangan
  • Rebyu
    Isang uri ng pampanitikang kritisismo na ang layunin ay suriin ang isang aklat batay sa nilalaman, estilo, at anyo ng pagkakasulat nito