Liham ng Aplikasyon sa Trabaho (Application Letter) - na tinatawag din Cover Letter. Ito ang liham na inihahanda ng isang taong naghahanap ng trabaho.
Liham ng Pagbibitiw sa Trabaho (ResignationLetter) – inihahanda ng isang magbibitiw na sa trabaho o tapusin na ang kanyang paninilbihan.
Liham ng Pagbebenta (Sales Letter) – liham ng pangnegosyo kung nais magbenta ng isang produkto o serbisyo.
Liham ng Pagbili o Pag-Order (Order Letter) –ito naman ay inihahanda kun nais bumili ng produkto o serbisyo
Liham ng Pagtatanong o Paghiling (Inquiry or Request Letter) – ang liham na ito ay naglalayon makaalam ng detalye ng isang tao o organisasyon
Liham ng Paniningil (Collection Letter) – inihahanda ang ganitong liham kung may kailangang kolektahin ang isang negosyo sa kanyang kliyente o customer.
Pamuhatan (Heading) - Binubuo ito ng opisyal na pangalan,ng tanggapan, adres, telepono, at numero ng fax. Makikita rin dito ang logo ng tanggapan (kung mayroon).
Petsa (Date) – kung kailan isinulat ang liham na binubuo ng buwan, araw, at taon. Nilalagyan ng kuwit ang pagitan ng araw at taon
Patunguhan (Inside Address) – Binubuo ng pangalan, katungkulan at tanggapan ng taong padadalhan ng liham. Iniiwasan ang pagdadaglat sa pagsulat ng adres o direksyon.
Bating Pambungad (Salutation) – ito ay pagbati sa sinusulatan.
Katawan ngLiham (Body of the Letter) – Ito ang tampok na bahagi ng liham at nagsasaad ng mensahe sa sinusulatan
Pamitagang Pangwakas (Complimentary Close) - Nagsasaad ito ng pamamaalam sa sinusulatan. Ito ay isinusulat dalawan espasyo nula sa huling salita sa katawan ng liham. Ginagamitan ito ng kuwit bilang pananda
Lagda (Signature) – Binubuo ito ng pangalan, lagda at posisyon ng lumiham
Inisyal na Pagkakilanlan (Identifying Initials) – Inisyal ito ng gumawa ng liham
Paglalakip (Enclosure) – Nagsasaad ito ng mga dokumentong inilakip sa liham. Makikita ito sa ibabang bhagi ng liham.
Tawag-Pansin (Attention Line) – Ito ay panawag –pansin sa taong kailangan. Inilalagay ito sa tapat ng bating pambungad o sa bandang gitna.
Paksa (Subject) – Opsyonal lamang ito. Nakatutulong ito sa agarang pagtukoy kung tungkol saan ang liham. Isinusulat ito dalawang espasyo pagkatapos ng bating pambungad.
Notasyon ng Binigyan ng Sipi (Copy Notation). Tanda ito ng nagbigay ng kopya sa iba maliban sa siulatan. Ginagamit ang pananda c or cc para dito.
Estilong Semi-Block Dito ang pamuhatan lamang ang nasa kanan. Ang unang mga salita sa kanan ay naka-indent or nakaurong ng konti sa kanan. Ang format na ito ay hawig sa anyong tradisyonal.
Ang MODIFAYD BLAK ay halos katulad ng GANAP NA BLAK, ang kaibahan lamang ay ang pamuhatan, bating pangwakas, at lagda ay nasa bandang kanan ng liham. Katulad ito ng ganap na block dahil walang linyeng indented o nakpasok sa format na ito.
Estilong Full-Blocked Mapapansin na mas madaling tandaan ang GANAP NA BLAK na anyo ng liham. Lahat ay magsisimula sa pinaka-kaliwang bahagi ng liham. Isa lamang ang espasyo ng mga linya ng katawan ng liham at dalawa sa pagitan ng mga talata. Ito ay madalas ginagamit dahil malinis at moderno ang dating.
(clear) –Maayos ang paghahanay ng mensahe, ugnayan nito at may kalinawan ang pagpapahayag.
(correct) – maayos ang gramatikang ginamit at wasto mismo ang mensahe. Kailangan macheck o mavalidate ang mga ipinahayag sa liham.
(complete) –kung ang lahat ng detalye ay naisama.
(courteous) – mararamdaman ito sa tono ng mga pahayag, lalo na sa emosyon tulad ng pagkamahinahon, pagiging magalang at, pagkamaunawain.
(concise) – hindi ito paligoy-ligoy, direkta at maiksi ang paraan ng mga pahayag.
(conversational) – kahit pormal ang liham pangnegosyo, mas maganda kung tila nakikipag-usap lamang ang dating nito sa mambabasa, at pagiging natural ng manunulat sa kanyang mga pahayag.
(considerate) – dapat naisaalang-alang ang interes o damdamin ng sinusulatan kaysa sa personal na hangarin ng manunulat. Pumili ng tamang pananalita upang maipadama ang pagtitiwala at kabutihang loob.
May dalawang uri ng pamuhatan: 1. Nilimbagnapamuhatan (printed letterhead)
2. Minakinilya (typeset)