Awiting Bayan

Cards (14)

  • Awiting bayan - Mga awit ng mga ninuno natin noon at hanggang ngayon ay kinakanta o inaawit. Karaniwang pumapaksa sa katutubong kultura.
  • Balitaw - Ay tradisyong Cebuano. Ito ay kombinasyon ng awit sayaw at debate.
  • Kundiman - Ay isang uri ng awit ng pang-ibig ng mga tagalog na nagmula sa terminong “kung hindi man.” Karaniwang sinasaliwan ng gitara gaya ng harana.
  • Dalit  - Ay isang katutubong awit na mag isahang tugmaan. Ito ay karaniwang pang relihiyon.
  • Diona/diyona - Isang katutubong anyo ng tula at awit na kadalasang inaawit habang kinakasal.
  • Dung-aw - Tradisyong Ilokano na nangangahulugang pagtangis at tumutukoy sa pagpapahayag ng dalumhati dahil nawalan ng mahal sa buhay.
  • Kumintang - Tumatalakay sa pakikidigma o pakikipaglaban.
  • Kutang-Kutang - isang pampalipas ng pagod at awit na madalas kinakanta sa lansangan at may layuning magpatawa.
  • Soliranin - Madalas kinakanta o inaawit habang nag-gagaod o nagsasagwan.
  • Maluway - Inaawit sa samang-samang paggawa
  • Oyayi o Hele – Awiting bayan na pampatulog sa sanggol.
  • Pangangaluwa - Mula sa salitang kaluluwa. Isang awiting bayan kung saan pumupunta sa mga bahay ng tao sa nov 1 upang umawit o maghandog ng dasal.
  • Sambotani - Awit ng pagtatagumpay o awit sa pagtatagumpay sa pakikidigma.
  • Talindaw - Karaniwang kinakanta ng mga lumad o katutubo habang lumalayag sa dagat.