Ang mga ito ay anyo ng tula na pinahahalagahan sa panitikan ng
bansang Hapon.
Tanka at Haiku
Binubuo ng tatlumpu’t isang
pantig (31) na may limang (5)
taludtod, karaniwang hati ng
pantig sa isang taludtod ay (7-7- 7-5-5) o (5-7-5-7-7) Ito rin ay puwedeng
magkapalit-palit.
Tanka
Ang paksa ng tula na ito ay tungkol sa pagbabago, pag-ibig, at pag-iisa.
Tanka
Binubuo ng labingpitong (17)
pantig na may tatlong (3)
taludtod. Karaniwang hati ng
pantig sa isang taludtod ay (5-7-5) o maaring magkapalit-palit.
Haiku
Nagsasaad ng masidhing damdamin.
Tanka at Haiku
Ang pinakaunang _____ ay kasama sa
kalipunan ng mga tula na tinawag na Manyoshu o CollectionofTenThousandLeaves. Antolohiya ito na naglalaman ng iba’t ibang anyo ng tula na karaniwang ipinahahayag
at inaawit ng nakararami.
Tanka
Ito ay nakatuon sa diin (stress), tono o intonasyon (pitch), at hinto o antala (juncture). Ito ay nakakatulong upang maging mabisa ang ating pakikipagtalastasan.
Ponemang Suprasegmental
Ito ay ang bigat ng pagbigkas ng pantig na maaaring makapag-iba sa
kahulugan ng mga salita maging ang mga ito man ay magkakapareho ang baybay.
Diin
Ito ay tumutukoy sa pagtaas o pagbaba ng tinig sa
pagbigkas ng pantig ng isang salita, parirala, o pangungusap upang higit na
maging malinaw ang pagsasalita at nang magkaunawaan ang nag-uusap.
Tono o Intonasyon
Tumutukoy sa saglit na pagtigil ng pagsasalita upang higit na maging malinaw ang mensaheng ipinapahayag.