Ponema ang tawag sa makabuluhang yunit ng tunog at ponolohiya ang tawag sa maagham na pag-aaral ng mga ito.
Semantika - pag-aaral sa kahulugan ng salita o anumang pahayag.
>Denotasyon – tahas o literal at may pagbibigay ng mismong tinutukoy o referent
>Konotasyon – pag-uugnay ng ibang kahulugan at talinghaga
>Intensyon – pagtukoy sa konsepto
>Ekstensyon – pagtukoy sa pamamagitan ng pangkaisipang imahe ng binibigyang-kahulugan
Sintaks - pag-aaral o pag-uugnay-ugnay ng mga salita para makabuo ng mga parirala, sugnay, at mga pangungusap.
>Parirala – lipon ng mga salita na walang buong diwa, walang panaguri at paksa.
>Sugnay- kalipunan ng mga salita na may panaguri at paksa, may buong diwa at maari din namang wala.
>Pangungusap – maaaring salita / sambitla (sambit lamang) o lipon ng mga salita na may buong diwa.
Ponemang segmental ang tawag sa makahulugang tunog o inirerepresenta ng simbolo at mga titik na maaaring katinig o patinig at nagsisilbing gabay sa pagbigkas.
>Diptonggo (aw, iw, ay, ey, iy,oy, oy) – ikinakabit sa unahan ng malapatinig na /w/ at /y/ ang ponemang katinig.
>Klaster – tawag sa kambal-katinig na magkasama sa isang pantig sa salita.
>Pares-minimal – tawag sa pares ng mga salita na magkaiba ang kahulugan ngunit magkatulad sa bigkas maliban sa isang ponema sa magkatulad na posisyon (Santiago at Yangco, 2003)
Ponemang suprasegmental – tunog na may pagsasaalang-alang sa katiyakan ng paraan ng pagbigkas tulad ng tono (pitch), haba (length), diin (stress), at antala / hinto (juncture).
>Patinig + salitang ugat na D= D-> R
>Katinig + salitang ugat na D= D->D
Tinatawag na morpema ang mabubuong salita mula sa makabuluhang tunog. Morpolohiya naman ang tawag sa pag-aaral ng mga morpema.
>Pag-uulit: Parsyal o di ganap (aalis, bababa) / ganap na pag-uulit (sino-sino, araw-araw) / magkahalong parsyal at ganap (susulyap-sulyap, sasayaw-sayaw)
>Pagtatambal: Malatambalan o nananatili ang kahulugan ng bawatsalita (bahay-aliwan, silid-aralan / tambalangganap o may pagbabagosakahulugan – bukaspalad, anakpawis)
Pagbabagong Morpoponemiko
>Asimilasyon - Pagbabagong nagaganap sa (pang) dahil sa impluwensya ng salitang kasunod nito. Gayundin ang mang, man at mam.
>Pagpapalit ng ponema ang nagaganap na pagbabago o pagpapalit ng ponema sa pagbuo ng salita.
>Pagkakaltas ng ponema ang nangyayari kapag kinakaltas ang huling ponema ng salitang-ugat na kinakabitan ng hulapi.
>Metatesis ang pagbabago kapag nagkakapalit ng posisyon ang /l/ o /y/ na simula ng salitang-ugat at /n/ sa gitlapig –in na ikinakabit sa nasabing salitang ugat.
Pagbabagong Morpoponemiko
>Sa paglilipat-diin, nagbabago ang diin ng mga salita kapag nilalapian.
>Pag-aangkop ang tawag sa pagbabagong may pag-iisa ng dalawang salita, may pagkakaltas ding kasama.