AP✨

Cards (49)

  • Price Floor
    Tumutukoy sa pinakamamabang presyo na itinakda ng batas sa mga produkto at serbisyo.
  • Price Ceiling
    Pinakamataas na presyona maaring ipagbili ng isang prodyuser ang kaniyang produkto.
  • Monopolistic Competition
    Uri ng estruktura ng pamilihan, maraming kalahok na prodyuser ang nagbebenta ng mga produkto sa pamilihan subalit marami rin ang mga konsyumer.
  • Collusion
    Pagkontrol o sabwatan ng mga negosyante
  • Oligopolyo
    Uri ng estruktura ng pamilihan na may maliit na bilang o iilan lamang ma prodyuser ang nagbebenta ng magkakatulad o magkakaugnay na produkto at serbisyo.
  • Trademark
    Paglalagay ng mga simbolo o marka sa mga produkto na magsisilbing pagkakakilanlan ng kompanyang may gawa o nagmamay ari dito.
  • Monopsonyo
    Mayroon lamang iisang mamimili ngunit maraming prodyuser ng produkto at serbisyo.
  • Monopolyo
    Uri ng pamilihan na iisa lamang ang prodyuser na gumagawa ng produkto o nagbibigay serbisyo kung kayat walang pamalit o kahalili.
  • Pamilihang may hindi ganap na kompetisyon.
    Estruktura ng pamilihan na wala ang anumang kondisyon o katangian na matatagpuan sa pamilihang may ganap na kompetisyon.
  • Pamilihang may ganap ng kompetisyon
    Estruktura ng pamilihan na kinikilala bilang modelo o ideal. Walang sinoman sa prodyuser at konsyumer ang maaring makakontrol sa takbo ng pamilihan partikular sa presyo.
  • Surplus
    Mas marami ang quantity supplied kaysa quantity demand.
  • Shortage
    Nararanasan naman kung ang dami ng demand ay mas malaki kaysa dami ng supply.
  • Disekwilibriyo
    Ang anumang sitwasyon o kalagayan na hindi pareho ang quantity demanded at quantity supplied sa isang takdang presyo.
  • Qs = c +bP
    Equation para sa pagpapakita ng Supply Function.
  • Supply Function
    Ay ang matematikong pagpapakita ng ugnayan ng presyo at quantity supplied.
  • Supply Curve
    Grapikong paglalarawan ng ugnayan ng presyo at quantity supplied.
  • Supply Schedule
    Isang talaan na nagpapakita ng dami ng kaya at gustong ipagbili ng mga prodyuser sa ibat ibang presyo.
  • Batas ng Supply
    Mayroong direkta o positibongvugnayan ang presyo sa quantity supplied ng isang produkto.
  • Inelastic
    kapag mas maliit ang naging bahagdan ng pagbabago ng quantity demanded kaysa sa bahagdan pagbabago ng presyo. ang produkto ay pangunahing pangangailangan. Halos walang pang substitute.
  • Elastic
    kapag mas malaki ang naging bahagdan ng pagtugon ng quantity demanded kaysa sa bahagdan ng pagbabago ng presyo. Maraming pang substitute.
  • Price elasticity of demand
    Ito ang pamaraan na ginagamit upang masukat ang pagtugon at kung gaano kalaki ang magiging pagtugon ng quantity demanded ng tao sa isang produkto sa tuwing may magbabago sa presyo nito.
  • Paglipat ng demand curve sa kaliwa
    Ang pagbaba ng demand ay makapagdudulot ng paglipat ng kurba ng demand sa kaliwa.
  • Paglipat ng demand curve sa kanan
    Ang pagtaas ng demanday makapagdudulot ng paglipat ng kurba ng demand sa kanan.
  • Complementary Goods
    Kapag ang ugnayan ng presyo ng isang produkto ay negatibo o taliwas sa demand para sa isang produkto, masasabing magkaugnay ang mga ito.
  • Inferior Goods
    Tawag sa mga produktong tumataas ang demand kasabay sa pagbaba ng kita.
  • Normal Goods
    Kapag dumadami ang demand sa mga produkto dahil sa pagtaas ng kita.
  • Kita, Panlasa, Dami ng Mamimili, Presyo ng magkaugnay na produkto sa pagkonsumo,Inaasahan ng mga mamimili sa presyo sa hinaharap

    Iba pang salik na nakakaapekto sa Demand maliban sa presyo
  • Qd = a - bP
    Equation para sa pagpapakita ng demand function
  • Demand Function
    Ay ang matematikong pagpapakita sa ugnayan ng presyo at quantity demanded.
  • Downward Sloping Curve
    Ang kurbang ito ay nagpapakita ng salungat na ugnayan sa pagitan ng presyo at sa dami ng gusto at kayang bilhin ng mamimili.
  • Demand Curve
    Ito ay isang grapikong paglalarawan ng ugnayan ng presyo at quantity demanded.
  • Demand Schedule
    Ay isang talaan na nagpapakita ng dami na kaya at gustong bilhin ng mga mamimili sa ibat ibang presyo.
  • Income Effect
    Ito ay nagpapahayag na mas malaki ang halaga ng kinikita kapag mas mababa ang presyo.
  • Substitution Effect
    Ipinapahayag nito na kapag tumaas ang presyo ng isang produkto, ang mga mamimili ay hahanap ng pamalit na mas mura.
  • Ceteris paribus
    Ay nangangahulugang ipinagpapalagay na ang presyo lamang ang salik na nakakaapekto sa pagbabago ng quantity demanded.
  • Batas ng Demand
    Mayroong inverse o magkasalungat ang ugnayan ng presyo sa quantity demanded ng isang produkto.
  • Demand
    Tumutukoy sa dami ng produkto o serbisyo na gusto at kayang bilhin ng mamimili sa ibat ibang presyo sa isang takdang panahon.
  • Ekwilibriyo - Isang kaganapan sa pamilihan kung saan nagkakapareho ang dami ng gusto at kayang bilhin ng mga mamimili at dami ng gusto at kayang ipagbili ng mga prodyuser
  • Mahalaga na pantay ang bilang ng produkto sa pangangailangan ng mamimili dahil ito ay hudyat na matatag at maunlad sa patuloy ng paglago ng ekonomiya
  • Monopolyo - Uri ng pamilihan na iisa ang bumibili ng produkto